Crossover, Returnee, o Darkhorse: Kanino mapupunta ang Miss Universe Philippines 2022 crown?

Michelle Dee, Chantal Schmidt, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Katrina Llegado during the Miss Universe Philippines Preliminary evening gown competition

Michelle Dee, Chantal Schmidt, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Katrina Llegado/Miss Universe Philippines

HINDI na kami makapaghintay at alam din naming marami nang mga pageant fans ang hindi mapakali kakaisip kung sino nga ba ang kokoronahang Miss Universe Philippines 2022.

Halos lahat ng kandidata na kumakatawan sa bawat siyudad at probinsya ay may inalok na iba’t ibang kagandahan, estilo, aliw, at katalinuhan.

Feel na feel namin kayo dahil pati kami ay litong-lito kung sino nga ba ang talagang nag-shine from day one hanggang sa ginanap na preliminary interviews at competition nito lamang April 27.

Isa rin sa mga napansin namin ang pangmalakasang credentials ng mga kandidata ngayong taon. Mula sa crossovers at winners na rin ng crowns sa ibang national pageants hanggang sa mga returnees na naging matagumpay sa kampanya nila sa nakaraang dalawang edisyon ng Miss Universe Philippines under the queenship of Rabiya Mateo and Beatrice Gomez.

Siyempre hindi rin papatalo ang mga new faces na talaga namang lumalaban at bumubulusok pataas sa mga hotpicks ng iba’t ibang pageant pages sa bansa.

Marami na ring napagdaanan ang mga kandidata mula pa sa iba’t ibang challenges na kanilang nilampasan upang makaabot sa Top 32 ng kompetisyon, nagpatalbugan din sila sa awrahan sa iba’t ibang sponsor photoshoots at advocacy seminars.

Mula rito, naglista kami ng aming Magic 10 (in alphabetical order) na dapat bantayan sa darating na coronation night mamayang gabi.

Julia Calleja Saubier, Albay

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Ipinanganak sa Lyons, France ang sporty beauty queen mula sa Albay. Kumuda siya at pasok sa Top 4 ng Interview Challenge na siyang nagbigay rin sa kanya ng advantage para makapasok sa Top 32. Aariba kaya si Julia all the way to get the golden crown?

Ghenesis Latugat, Baguio City

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Pinamalas ng architect student at Miss Baguio City 2021 na si Ghenesis ang pangabog niyang rampahan nang maipanalo ang fashion and runway challenge ng kompetisyon. Madadala kaya siya ng kanyang husay sa pasarela tungo sa korona?

Pauline Cucharo Amelinckx, Bohol

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Second time’s a charm kaya para sa Boholana beauty queen na si Pauline Amelinckx? Nagwagi siyang Miss Bohol 2017. Bilang runner-up kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, ngayon na kaya ang kanyang panahon to fully grasp ang inaasam na title?

Chantal Elise Schmidt, Cebu City

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Fresh face to the universe nga ba ang peg ng Cebuana beauty na si Chantal? Newbie but with a lot of opportunity ang inilalaban niya. Nagtapos siya ng Bilingual International Baccalaureate Diploma in German and English sa Cebu International School.

Michelle Marquez Dee, Makati

Photo mula sa Miss Universe Philippines

From World to the Universe ang inaasam na korona ni Michelle Dee. Masusungkit kaya ng anak ng aktres at beauty queen na si Melanie Marquez ang kanyang second major national crown? Top 12 sa Miss World ay hindi biro, kaya malay natin ‘di ba? Maliban dito, hakot award din siya sa mga sponsor nitong preliminary show.

Annabelle MacDonnell, Misamis Oriental

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Great speaker, great queen. Iyan na nga ba ang maihaharap na main quality ni Miss Misamis Oriental? Mula sa pagkakasungkit sa iba’t ibang regional crowns, this time naman kaya ay papalarin siyang maisuot ang Philippine sash?

Angelica Lopez, Palawan

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Rampadora ng taon na nagtapos bilang Top 3 sa fashion and runway challenge ng kompetisyon. Maihahampas kaya ni Angelica ang kanyang baywang patungo sa korona?

Ivylou Corpuz Borbon, Pangasinan

Photo mula sa Miss Universe Philippines

Fierceness overload naman si Miss Pangasinan. Naipanalo niya ang first runner-up sa Miss Baguio 2018. Time na nga rin ba para sa kanyang magwagi naman sa national pageant?

Celeste Cortesi, Pasay City

Photo mula sa Miss Universe Philippines

From Earth to the Universe. Frontrunner ngayon ang pambato ng Pasay na si Celeste Cortesi. Mamemaintain kaya niya ang kanyang momentum hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng kompetisyon ngayong gabi? Considering her platform sa Miss Earth noong 2018, talaga namang highlighted at minarkahan na siya ng mga pageant experts.

Ma. Katrina Llegado, Taguig

Photo mula sa Miss Universe Philippines

From Reina to the Universe naman ang peg ni Katrina. Nagtapos lang naman siya bilang 5th runner-up sa 2019 Reina Hispanoamericana kung saan nakalaban niya ang iba’t ibang mga latina. Advantage nga ba ito para sa kaniya since mga latina rin ang mahigpit nating kalaban sa Miss Universe?

BONUS! Kumakabog at talaga namang inaasahan din naming hahataw ang iba pang kandidata katulad nina Lou Dominique Piczon ng Cebu Province, Jeanne Nicci Orcena ng Davao del Norte, Jedidah Korinihona ng Davao del Sur, Vanessa Ann Caro ng Iloilo Province, Jewel Alexandra Palacat ng Ilocos Sur, at Isabel Luche ng Mandaue City.

Maaari itong mapanood sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at sa The Filipino Channel (TFC) sa ganap na 7 p.m..

Ang mga former Miss Universe queen naman na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere ng Pransiya, at Demi-Leigh Tebow ng South Africa ang magsisilbing hosts ng finals night.

Uupo naman bilang isa sa mga judge ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu ng India habang magtatanghal naman ang Filipino-American na “American Idol” finalist na si Francisco Martin.

Related Chikas:

#UniquelyBeautiful: Sino sa 32 kandidata ng Miss Universe PH 2022 ang papalit sa trono ni Beatrice Gomez?

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu shookt nang makita si Catriona Gray sa Miss Universe PH dinner party

Catriona Gray may ‘special participation’ sa Miss Universe PH 2022 coronation night

Read more...