Maja kilig na kilig pa rin sa ‘Easter proposal’ ni Rambo: Magtu-2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako!

Maja Salvador at Rambo Nunez

HANGGANG ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ng TV host-actress at singer ang sobrang kaligayahan matapos ang engagement nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mag-propose sa kanya ang binata na talagang isinakto pa sa selebrasyon ng Easter Sunday.

Idinaan ng “Eat Bulaga” Dabarkads sa kanyang Instagram account ang nararamdamang kaligayahan at sobrang excitement ngayong engaged na sila ni Rambo.

Nag-share ang aktres sa IG ng ilang litrato nila ng kanyang fiancé na kuha habang nakaupo sila hagdan  with matching green OOTD pa. Sabi ni Maja sa caption, “Mag 2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako.”


“ILY @rambonunez. Nakakagigil!” dagdag pa niyang mensahe sabay hirit sa kanyang mga IG followers na tingnan ang ipinost niyang last photo with her “gigil face.”

Matatandaang ibinandera nina Maja ar Rambo ang kanilang engagement noong April 17, habang ginaganap ang Easter Egg Hunt ng kani-kanilang pamilya.

Nag-share ang actress-TV host sa publiko ng mga naging eksena sa marriage proposal ng kanyang longtime partner last noong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube, ibinahagi ni Maja ang tinawag niyang “new beginning” sa next level ng makulay na love story nila ni Rambo.

“Ito na ang aking Easter engagement in Palawan kasama ang aming mga pamilya na kumpletong magkakasama for the first time,” ang inilagay na caption ng “Eat Bulaga” Dabarkads sa kanyang vlog.

Mapapanood nga sa nasabing video kung paano ginulat at sinorpresa ni Rambo si Maja nang lumuhod siya sabay labas ng hawak na engagement ring.

Ito’y habang nagaganap ang Easter egg hunt na sinet-up ng kanyang pamilya na mala-“The Amazing Race” ang gimik. Palakpakan naman ang lahat ng nakapalibot sa magdyowa nang mag-propose na si Rambo.

Kitang-kita ang pagka-shock ng aktres hanggang sa tuluyan na ngang mapaiyak bago sumagot ng “Yes” sabay yakap sa kanyang future husband.

https://bandera.inquirer.net/298935/maja-sa-pagpapakasal-kay-rambo-napag-uusapan-pero-si-god-pa-rin-ang-bahala-sa-tamang-panahon

https://bandera.inquirer.net/310357/maja-hindi-lalayasan-ang-showbiz-kahit-magpakasal-kay-rambo-siguro-hihinto-lang-ako-kapag-na-preggy-tayo

https://bandera.inquirer.net/311015/rambo-nuez-nag-propose-na-kay-maja-salvador-the-best-part-is-yet-to-come-my-love

Read more...