Sue Ramirez sa pagganap na kabit: I don’t think I will come to a point na mang-aagaw ako ng asawa

Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez

NAIINTINDIHAN ni Sue Ramirez ang pinaghuhugutan ng mga kabit pero para sa kanya hindi raw siguro siya aabot sa pagiging other woman kahit pa mahal na mahal niya ang lalaki.

In fairness, super effective ang pagganap ng dalaga bilang kabit ni Zanjoe Marudo sa Kapamilya drama series na “The Broken Marriage Vow” dahil isa talaga siya sa mga inaabangan ng viewers sa serye.

Of course, super happy si Sue sa natatanggap niyang positive comments mula sa mga manonood kahit pa marami ang nagsasabing inis na inis sila sa karakter niya bilang mang-aagaw ng asawa.

“I think the writers really plotted it na makaka-reach sa lahat ng klase ng audience. Simula sa mga bagets hanggang sa mga mommies natin na nanunuod gabi gabi na nakatutok.

“I think Dreamscape really made sure to make it to a point na everyone will be able to connect with the show and relate with the show.


“Kasi maraming complex na characters ang kasama sa The Broken Marriage Vow. So iba iba talagang tao. So hindi ako nagugulat na madaming nakaka-relate,” sabi ni Sue sa ginanap na “The Broken Playlist” concert mediacon last April 26.

Aniya pa, “I’m also very, very grateful sa mga people online who make mga spoof. Because kung hindi din dahil sa kanila, baka mabigat nga ang take ng mga tao sa show namin.

“Pero dahil sa kanila, napapagaan nila yun. And mas madami pang tao ang nagiging aware of our show and mas marami gabi gabi ang nanunuod sa amin.

“So thank you sa lahat ng gumagawa ng content online gamit ang mga materyal ng The Broken Marriage Vow. Sobra sobra niyo rin kaming natutulungan. Maraming salamat,” dagdag pang chika ng dalaga.

Inamin ni Sue na may mga pagkakataon na nakaka-relate siya sa role niya bilang si Lexy, “Definitely love will make you do crazy things. Love has made me do crazy things. Love has made me accept a lot of crazy things also from past partners.

“Pero I don’t think I will come to a point na mang-aagaw ako ng asawa. Hindi po ako aabot sa ganun. Pero definitely, love has made me do crazy things. A lot. Maraming-marami.

“What I love and hate about her is the same thing, it’s that she’s a go-getter. She will get whatever she wants which is a good trait naman. Maganda rin namang pag-uugali yun na pag meron kang gusto, talagang you will really do your best to get it.

“Pero it comes to a point na you don’t realize na mali na yung ginagawa mo. So I think you need the limitations or kailangan ng tamang balanse yung pagiging idealistic at go-getter. It can be very dangerous for a person,” mahabang paliwanag ni Sue.

Sa tanong kung ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa serye, “I can really say it’s the dinner scene. It’s the biggest, most viral scene of the whole teleserye.

“Marami pang paparating na mga eksena but I think that was the hardest to do for me kasi yun yung eksena na nabunyag lahat at parang gumuho na yung mundo ni Lexy. In front of her parents nilabas yung pinaka-tinatago niyang sikreto.

“Of course she was just waiting for the time na hihiwalayan ni David (Zanjoe) si Jill (Jodi Sta. Maria) tapos siya na rin siguro yung magsasabi sa parents niya. But for the wife to tell her parents, nanaunahan siya, parang yun talaga yung gumuho na yung mundo ni Lexy sa eksena na yun.

“Na-disappoint yung parents niya na yun yung pinakaayaw niyang mangyari. So I think it’s the dinner scene talaga,” chika ng aktres.

Kagabi ginanap ang “The Broken Playlist: The Broken Marriage Vow” digital concert via ktx.ph, featuring Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla and Jodi Sta. Maria with Angeline Quinto, Kyla, Morissette Amon, Jona, Gigi De Lana, and Fana, sa direksyon ni Jon Moll.

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

https://bandera.inquirer.net/302895/sue-never-nag-inarte-sa-mga-love-scene-nila-ni-zanjoe-hindi-na-kami-nahirapan-dahil

https://bandera.inquirer.net/285057/sue-ramirez-ni-minsan-di-naramdamang-pangit-siya

Read more...