#UniquelyBeautiful: Sino sa 32 kandidata ng Miss Universe PH 2022 ang papalit sa trono ni Beatrice Gomez?

Beatrice Gomez

MAMAYANG gabi na magkakaalaman kung sino ang tatanghaling Miss Universe Philippines 2022 sa gaganaping coronation night sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda nang ipasa ni Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang kanyang trono at korona sa mananalong kandidata na siyang magiging bet ng Pilipinas sa inaabangan na ring Miss Universe 2022 pageant.

Ngayon pa lang ay siguradong abangers na ang mga Pinoy pageant fans sa mangyayaring patalbugan sa rampahan at patalinuhan ng Top 32 finalists para makamit ang minimithing Miss Universe Philppines 2022 crown.

I’m sure, may kanya-kanya na rin kayong kandidatang sinusuportahan pero ang tanong — umubra kaya ang kanilang powers sa pagharap nila sa mga judges ng pageant?


Sa ginanap na preliminary competition last Wednesday sa Cove Manila Indoor Beach Club sa Okada Manila, Parañaque City may ilang kandidata na ang nagmarka sa mga hurado, kabilang na riyan ang tinaguriang “Hakot Queen” at 2019 Miss World Philippines na si Michelle Marquez Dee ng Makati City matapos makatanggap ng anim na special awards.

Tigdadalawang parangal naman ang ibinigay sa iba pang kandidata na mga dati na ring national titleholders kabilang na riyan sina 2018 Mutya ng Pilipinas Pauline Amelinckx ng Bohol, na naging third runner-up din sa unang edisyon ng Miss Universe Philippines pageant; 2019 Miss Reina Hispanoamericana Filipinas Katrina Llegado ng Taguig City; at  dating Miss Philippines Earth Celeste Cortesi ng Pasay City.

Ilan pa sa mga nakatanggap ng special awards ay ang mga Cebuanang kandidata na sina Isabel luche ng Mandaue City, Chantal Elise Schmidt ng Cebu City, at Lou Dominique Piczon ng Cebu Province.

Ang tanong, magkaroon din kaya sila ng pagkakataon na makapasok sa Top 10 hanggang sa final round? Yan ang kailangan nating abangan tonight sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022.

Maaari itong mapanood sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at sa The Filipino Channel (TFC) sa ganap na 7 p.m..

Ang mga former Miss Universe queen naman na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere ng Pransiya, at Demi-Leigh Tebow ng South Africa ang magsisilbing hosts ng finals night.

Uupo naman bilang isa sa mga judge ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu ng India habang magtatanghal naman ang Filipino-American na “American Idol” finalist na si Francisco Martin.

https://bandera.inquirer.net/310174/32-finalist-sa-2022-miss-universe-ph-ibinandera-na-michelle-dee-celeste-cortesi-katrina-llegado-pasok-sa-banga

https://bandera.inquirer.net/294387/photos-ni-miss-universe-ph-2021-beatrice-gomez-bilang-reservist-trending

https://bandera.inquirer.net/291308/pinahanga-mo-ako-pacman-lumuha-ako-sa-interview-mo-no-need-to-apologize

Read more...