Yam Laranas pinatunayang astig pa ring gumawa ng horror movies: ‘Sana mapanood ng mga madre at pari ang Rooftop’

Marco Gallo, Rhen Escano, Ella Cruz, Ryza Cenon at Marco Gumabao

SAYANG at hindi narinig ni Direk Yam Laranas ang hiyawan at papuri sa pelikulang “Rooftop” sa ginanap na premiere night nito noong Martes sa SM The Block dahil hindi siya nakarating.

In fairness ang ganda ng movie na idinirek niya produced by ALIUD Entertainment and Viva Films na nagbukas nitong Miyerkules, Abril 27 sa mga SM Cinemas.

Biniro nga namin si direk Yam na very unusual ang hindi niya pagdalo sa premiere o advance screening ng pelikula niya dahil siyempre gusto rin niyang marinig ang feedback ng mga nanood.

“Ha-haha! Intrigue! Shoot ako ng TVC today at super heavy prep kami until last night. Na move earlier ang schedule. Sayang nga, eh. Naipit schedule,” sagot niya sa amin sa pamamagitan ng Viber.

Nabanggit namin na successful ang premiere night at nakakatuwa dahil ang daming fans na nag-abang as early as 6 p.m. at may dala-dala pa silang streamer for Ryza Cenon and Marco Gumabao.

Dumalo sa screening sina Ryza, Marco, Marco Gallo, Andrew Muhlach, Rhen Escano at Allan Paule. Hindi naman nakarating sina Ella Cruz at Epy Quizon.


Sana mapanood ng mga pari at madre na mangangasiwa sa mga Catholic school ang “Rooftop” para bago sila magbakasyon o mag-uwian ay isa-isa nilang i-check ang mga kuwarto ng kanilang paaralan kung lahat ng estudyante ay nakauwi na o may mga nagpaiwan tulad ng nangyari sa kuwento ng pelikula.

May mga nagtago o nagpaiwan para makapagwalwal tulad ng mga karakter nina Marco Gallo, Marco Gumabao, Ryza, Rhen, Ella at Andrew na kinuntsaba ang estudyante janitor ng school (Epy) na makaakyat sila sa rooftop para mag-inuman.

At siyempre pag nakainom na ng alak ay marami na ang magaganap na hindi dapat at dito nga nagsimula ang mga makapanindig-balahibong kuwento ng pelikula.

When it comes to horror films ay hindi naman talaga matatawaran si direk Yam dahil forte talaga niya ito, remember ang “Sigaw” nina Angel Locsin at Iza Calzado na hanggang ngayon ay naaalala pa rin kapag horror-suspense films ang usapan.

Anyway, mas magandang manood ng nakakatakot na pelikula sa big screen lalo’t kasama ang mga kaibigan kaya go na sa lahat ng SM Cinemas. Ang “Rooftop” ay bahagi ng Asian Horror Festival 2022.

https://bandera.inquirer.net/311883/rooftop-nina-ryza-marco-ella-at-epy-perfect-sa-2022-asian-horror-filmfest-direk-yam-tagumpay-sa-pananakot

https://bandera.inquirer.net/291959/3-direktor-ng-viva-hindi-pabor-na-makialam-ang-mtrcb-sa-mga-pelikula-sa-digital-platforms

https://bandera.inquirer.net/307382/nadine-lustre-puring-puri-ni-yam-laranas-bilang-aktres-masunurin-siyang-artista-i-like-that

Read more...