May selosan at inggitan ba sa sandamakmak na talent ng Viva Entertainment?

Vincent del Rosario

“THE people that work for us makes us look good or young. Good executives, outstanding artists, directors, producers. Dumadali ang buhay namin ni Boss Vic (del Rosario), ni Valerie (del Rosario), Tita June (Rufino).”

Ito ang paliwanag ni boss Vincent del Rosario, Presidente at COO ng Viva Films nang tanungin kung ano ang sikreto niya dahil kahit na may pandemic ay younger looking pa rin siya.

Palakpalakan ang lahat sa sagot ni boss Vincent at iisa ang komento ng lahat kahit hindi taga-Viva ay puring-puri nila ang mga anak ni boss Vic dahil magagalang at mga humble pa.

Isang beses mo lang silang makatrabaho ay hindi puwedeng hindi ka umulit dahil napaka-generous daw ng pamilya Del Rosario.

Ito rin ang na-experience namin noong nagsisimula pa lang kami sa aming karera bilang reporter, Una naming nakilala si boss Valerie na bagets pa noon na laging nakasunod sa amang si boss Vic.

Iniisip namin na baka daddy’s girl lang talaga siya at sobrang galang niya sa lahat ng reporters, hindi namin siya nakitaan ng kakaibang ugali kapag nakatalikod na ang media dahil pasimple rin kaming bumabalik ng tingin.

Hanggang sa muli kaming nagkita sa ginanap na “Summer to the Max” media conference at ang ganda ng ngiti niyang bumati sa amin. Hindi na siya nakasunod sa daddy niya ngayon dahil siya na ang kanang kamay ni boss Vincent dahil sa kanya nagtatanong tungkol sa mga project.

Si boss Valerie na ang creative consultant ng Viva kaya sa kanya kami nagtanong kung ano ang mga malalakas nilang mga pelikula at napangiti lang siya, “Lahat naman po ay doing okay, kanya-kanyang month.”

Katabi namin si Direk Sigrid Andrea Bernardo na direktor ng Vivamax series na “Lulu” kaya natanong namin kung may season 2 ito dahil nga bitin at maganda ang feedback.


“Oo nga po, pagmimitingan pa po namin, maganda nga ang feedback, malalaman din ninyo po,” sagot ni boss Valerie sa amin.

Ang ganda ng ngiti ni direk Sigrid sa narinig kaya sabi namin ay simulan na niyang isulat ang script ng season 2, hihintayin lang daw niya ang go signal ng viva bosses.

Ang “Lulu” series ay pinagbidahan nina Rhen Escano at Rita Martinez na napapanood pa rin ngayon sa Vivamax.

Going back to boss Vincent, natanong siya kung may mga paborito siya sa mga artists nila lalo na ‘yung mga sunud-sunod ang pelikula at may selosan bang nangyayari.

“Madalas kasi ‘yung production side sa amin nagsisimula with the right material. Kung ang material calls for artist X o artist Y may natural flow na lang na doon mapupunta,” sagot ng Viva executive.

Kinlnaro rin na pantay lahat ang tingin nila sa mga artists kaya depende na raw kung ganado siyang mag-work o hindi at kapag napansing walang masyadong project ay hinahanapan ng ibang gagawin na babagay sa role.

Samantala, may plano raw sumali ang Viva Films para sa 2022 Metro Manila Film Festival at pag-uusapan pa kung anong movie ang isasali sa rami ng projects nila.

Ano ang sikreto ng tagumpay ng Vivamax, “Si boss Vic del Rosario,” say ni Mr. Ronan de Guzman, COO ng Vivamax at Viva communications.

https://bandera.inquirer.net/291113/nadine-bumalik-na-sa-viva-pumayag-nang-gumawa-uli-ng-pelikula

https://bandera.inquirer.net/280009/wish-ng-nanay-ni-vice-sana-magka-baby-ka-para-may-tagapagmana-ng-naipundar-mo

https://bandera.inquirer.net/310253/rufa-mae-quinto-nagluluksa-sa-pagpanaw-ng-kapatid-grabe-pala-malagasan-iba-din

Read more...