SB19, MNL48 No. 1 top trending topic sa Twitter nang pumasok sa PBB house; #1948SaBahayNiKuya winner

SB19 at MNL48

MULING pinatunayan ng sikat na sikat na ngayong P-pop group na SB19 pati na ng all-female group na MNL48 ang kanilang powers pagdating sa pagiging trending at viral sa social media.

Winner na winner ang special guest appearance ng dalawang grupo sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” season 10 teen edition na ipinalabas kagabi.

Inimbitahan kasi ni Big Brother ang SB19 at MNL48 para sa isang special task sa loob ng Bahay ni Kuya — yan ay ang pakikipag-collab nila sa mga teen housemates para sa isang bonggang production numbers.

In fairness, mabilis na naging top trending topic sa Twitter Philippines ang #1948SaBahayNiKuya pati na rin ang iba pang hashtag na ginamit ng mga supporters ng SB19 at MNL48 habang umeere ang “PBB”.

Sa isang tweet ng “Pinoy Big Brother” account makikita ang litrato ng SB19 sa harap ng “PBB” house, “BRING IT ALL OUT NOW! A’TINS! Ready na ang SB19 na pumasok sa Bahay ni Kuya!”

May photo rin ang tatlong miyembro ng MNL48 sa harap ng Bahay ni Kuya na excited ding makita ang dati nilang member na si Gabb Skribikin.

“MNLoves, nandito na sila sa Bahay ni Kuya para sa isang misyon kasama ang mga Teen Housemates!” ang nakalagay sa caption ng photo.

Naatasan ni Big Brother ang MNL48 at SB19 na tulungan ang mga teen housemates sa kanilang weekly task na makapag-perform ng limang songs, kabilang na ang “Mapa” ng SB19.

“PBB” airs new episodes daily via Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, and TFC, with 24/7 livestreaming via Kumu.


* * *

Gagawa ng kasaysayan ang ABS-CBN kasama ang KROMA at 917Ventures ngayong Mayo sa paglulunsad ng PIE, ang kauna-unahang real-time at multi-screen interactive channel sa Pilipinas na babago sa panonood ng mga Pilipino.

Hatid ng PIE o Pinoy Interactive Entertainment ang tinatawag na “tradigital” viewing kung saan mai-enjoy ang all-day contests kung saan pwedeng manalo ng mga papremyo tulad ng pera at pagpapadami ng followers sa social media, at teleserye kung saan kayang baguhin ang takbo ng kwento gamit ang iba’t ibang device tulad ng TV, laptop, desktop, at mobile devices.

Sa PIE, hindi lang manonood ang viewers kundi magiging parte ng isang komunidad na may mahalagang partisipasyon sa mga palabas sa PIE.

Paliwanag ni KROMA Entertainment CEO Ian Monsod, likas sa Pilipino ang pakikisama at pakikisaya kasama ang mga kaibigan. Sa PIE, nais nilang punan ang kakulangan sa koneksyon dulot ng pandemya.

Abangan ang pagbabalik ng classic game show “Pera o Bayong” sa PIE, ang unang interactive teleserye sa Pilipinas na “UZI,” at ang reality show na “Palong Follow,” kung saan kailangang magtulungan ang viewers para makilala ang susunod na bigating content creators.

Mayroon din itong mga palabas na pwedeng salihan at ariin ng manonood tulad ng Ekstra Ordinaryo,” “Bida Body Part” at “Playlist Natin.”

Ayon kay Vince Yamat, Managing Director of 917Ventures, hangarin nilang maghatid ng mga bagong paraan upang mag-enjoy ang mga Pilipino at makatulong sa ibang tao lalo na at hindi pa tapos ang pandemya.

Para naman kay ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast Cory Vidanes, bahagi ang PIE ng kanilang layuning magbigay ng bagong klaseng palabas at karanasan para sa Pilipino sa tulong ng mga katuwang na organisasyon.

Nagsimula na ang test broadcast ng PIE nitong Abril. Sa Mayo, pwede na itong mapanood ng 11 milyong tahanan na may digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Zamboanga, Naga, Baguio at karatig probinsya. Samantala, accessible din ito sa 85 milyong Pilipinong nasa digital.

https://bandera.inquirer.net/285241/nakakatuwa-na-kahit-ibang-lahi-pinipilit-nilang-intindihin-ang-salita-at-kultura-natin

https://bandera.inquirer.net/310342/mnl48-nagbabalik-para-sa-new-single-na-no-way-man-aktor-na-nagbalik-bisyo-ligwak-sa-malaking-project

https://bandera.inquirer.net/284769/sb19-bitbit-ang-bandera-ng-pinas-sa-buong-mundo-kaya-ayaw-namin-ng-puchu-puchu-na-performance

Read more...