Miss Roxas City winner sa Q&A ng Miss Universe PH 2022, nag-model ng school uniform kahit may diarrhea: So, something came out!

Miss Roxas City Francheska Dadivas

AGAW-EKSENA si Miss Roxas City Francheska Dadivas sa naganap na preliminary interviews ng Miss Universe Philippines 2022 pageant na naganap kagabi sa Okada Manila.

Sumabak ang 32 kandidata ng nasabing national pageant sa paunang question and answer portion na ipinalabas live via YouTube channel ng Miss Universe Philippines.

At in fairness, isa nga si Miss Roxas City Francheska Dadivas sa mga nagmarka sa mga netizens pati na rin sa ilang pageant authorities na tumutok sa preliminary interview.

Ayon sa mga nabasa naming comments si Francheska ang “English version” ni Miss Manila Alexandra Abdon na nag-viral noong Miss Universe Philippines 2020 pageant dahil sa kanyang pagiging natural at “no filter” beauty queen.

First question kay Miss Roxas City, “In a nutshell, tell us your story from childhood to now that puts a smile on your face.”


Tugon ni Francheska, “I like to do a lot of things so I can’t really say what I do on a daily basis or what I do every time.

“But in a nutshell, I would say I’m a rascal. Up to now I’m still a rascal. I’d like to make people happy and that’s what I wanna do,” kuwento ng dalaga.

Pero mas na-shock ang judges sa naging sagot ni Miss Roxas City sa second question kung ano ang pinakanakakatawang experience niya na kapag naaalala niya ngayon ay natatawa na lamang siya.

Mabilis na sagot ng dalaga, “When I was in grade school, I was told to model our school uniform, but I had diarrhea.

“So, I tried to fart a little bit, but then it was hot, so something came out. And I had to do the runway and then I was, like, trying to close my legs!” ang pag-amin ni Francheska Dadivas.

Talagang tawanan ang mga judge sa kandidata ng Roxas City pati na ang host ng prelims.
But wait there’s more. Kung hagalpakan sa tawa ang mga nakarinig sa most embarassing moment ni Francheska bumilib din ang mga ito sa pagsagot ng dalaga sa mga seryosong tanong.

Sa tanong kung paano niya natutulungan ang mga kababaihan para isulong ang women’s health at well-being, ito ang sagot ng beauty queen, “I’m joining this pageant for that advocacy as well. I want to tell the people, also women, that women aren’t just women. Women are women.

“People always say that women are less than men, but we’re not. We’re actually stronger,” aniya pa.

Winner din ang sagot niya nang hingan ng advice para sa mga kababaihan “to be socially aware and empowered.”

“Keep doing mistakes. Just do you do whatever you want to do, because those mistakes will mold you, who you will become.

“And if she’s here right now, I’d tell her that, ‘You will like who you will become,’” pahayag pa ni Miss Roxas City.

https://bandera.inquirer.net/294372/binibining-pilipinas-may-pasaring-sa-miss-universe-ph-2021-winner

https://bandera.inquirer.net/305767/korina-kinarir-ang-superhero-themed-birthday-party-nina-pepe-pilar-puro-matatanda-ang-guest-list
https://bandera.inquirer.net/306367/edu-na-misplace-ang-uniform-paraphernalia-ng-heneral-takot-na-takot-ako-hindi-ko-alam-ang-gagawin-ko

Read more...