OK LANG KAY PACMAN

GENERAL Santos City — Nasa kampo na ngayon ni Brandon Rios ang dating strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao na si Alex Ariza.

Pero ayon sa Kongresista ng Sarangani, wala siyang nakikitang problema doon.

“Walang problema kung andoon siya. There’s no effect on my side,” sabi ni  Pacquiao.

‘‘Kami ni Buboy (Fernandez) at Nonoy (Neri) tuluy-tuloy ang ensayo sa Wild Card Gym (sa GenSan) habang papalapit ang laban namin ni Rios.’’

Isinara rin ni Pacquiao sa publiko ang kanyang training sa Wild Card Gym.

‘‘Sana maintindihan ng tao kung bakit nili-limit ko lang ang bisita dahil gusto ko maka-concentrate ako sa pag-ensayo,’’ dagdag pa ni Pacquiao.

“Sa Oktubre darating na ang aking paboritong coach at tatay na si Freddie Roach upang mapaghandaan namin ang laban na ito.’’

Ayon kay Pacquiao, si Roach ang nagpatalsik kay Ariza, ang kumundisyon kay Pacquiao noong 2009 nang bugbugin nito ang mas malaking si Miguel Cotto.

Sinabi naman ng trainer at best friend ni Pacquiao na si Buboy Fernandez na hindi malaking kawalan si Ariza bagaman sinabi niyang malaki ang naitulong nito kay Pacquiao sa mga dating laban nito kung saan naghahabol ng timbang ang Filipino boxing superstar.

Ang sagupaan nina Pacquiao at Rios para sa bakanteng WBO International welterweight title ay gaganapin sa Nobyembre 24 sa Macau. Ito ay may weight limit na 147 pounds.

Samantala, nakatakdang dumating sa bansa sa Oktubre 7 ang tatlong  sparring partner ni Pacquiao na manggagaling sa  Estados Unidos, Russia at China.

Read more...