Trabaho sa abroad (2)

Sulat mula kay Gina ng Barangay Barangay V – Malubog (Pob.), Tangub City
Problema:
1.      Wala pa rin kaming sariling bahay, kahit na ang isa sa mga magulang ko ay nagtatrabaho sa Middle East.  Bumaba na kasi ang suweldo roon pero naroon pa rin ang tatay ko dahil wala naman siyang trabaho kung uuwi siya ng Pilipinas.  Marami kaming magkakapatid.  Pinaghahati-hati niya ang ipinadadalang pera at malaki ang napupunta sa dalawang nasa kolehiyo.
2. Sa susunod na pasukan, kung papalarin, ay matatapos na ako ng aking piniling kurso.  Nais ko sanang malaman kung makapaga-abroad ako. Gusto kong mag-abroad para makatulong ako sa aming pamilya at maibili at maipagpagawa ko ng sariling bahay ang mga magulang ko. Matutupad kaya ang pangarap kong ito? Kailan ito mangyayari?  May 10, 1988 po ang birthday ko.
Umaasa,
Gina ng Barangay Barangay V – Malubog (Pob.), Tangub City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus  (Illustration 2.) ang nagsasabing tunay ngang susuwertehin ka sa mga gawaing may kaugnayan sa pag-oopisina, at babagay sa iyong pinag-aralan.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing mabilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay, kung saan-sunod-sunod na suwerte at nakatakda mong maranasan sa sandaling makatapos ka na ng pag-aaral.
Luscher Color Test:
Upang lalo kang suwertehin sa buhay lagi kang magsuot ng kulay na pula at silver na alahas. Sa nasabing kulay at alahas dagdag na magagandang kapalaran ang iyong matatanggap.
Graphology:
Masyadong maliit ang iyong sulat kamay at lagda. Lakihan mo ang iyong sulat kamay at lagda. Kapag lumaki ang pagkakasulat mo sa iyong handwriting at lagda, tuluy-tuloy ka ng susuwertehin at uunlad.
Huling payo at paalala:
Gina, tunay ngang ikaw ay nakatakdang tumupad ng malaon mo ng pangarap sa inyong pamilya upang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ayon sa iyong kapalaran, ito ay mangyayari at matutupad sa sandaling nakapag-abroad ka sa taon 2015.  Lilipas ang limang taon pa, makapagpupundar ka ng sariling house and lot para sa iyong mga kapatid at minamahal na magulang.

Read more...