Ang sarap talagang katrabaho ni Marian, sobrang professional, sobrang galing! – Dingdong

Dingdong Dantes at Marian Rivera

SIGURADONG ngayon pa lang ay abangers na ang DongYan fans all over the world sa reunion project ng Kapuso royalty couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Yes, tuluy na tuloy na ang kauna-unahang sitcom ng mag-asawa sa GMA 7, ang “Jose & Maria’s Bonggang Villa.”

Sa naganap na press launch at contract signing nitong Lunes, April 25, para sa nasabing project, nabanggit nina Dingdong at Marian na isa nga itong dream come true para sa kanila.

Todo pasalamat ang celebrity couple sa GMA at sa APT for this partnership. Sey ni Dong, “Na-realize namin na naging tahanan namin ang GMA for the past two decades and forever grateful kami sa tiwala na ibinigay ninyo sa amin.

“It was because of GMA kung bakit ko nakilala ang aking mapapangasawa at dahil du’n nagtayo kami ng sarili naming tahanan at doon nangyari ang idea na mag-shoot kami ng small videos sa bahay na ang title ay ‘Jose at Maria.’


“Doon ko na-realize na ang sarap talaga katrabaho ni Marian na sobrang professional at sobrang galing at kahit sa mini-videos na ‘yun ay ganu’n pa rin ang kanyang dedication.

“That’s why sabi namin, we want to bring this to the next level. That’s where APT comes in na nagtiwala sa amin at sa concept na puwede namin gawin together,” dire-diretsong pahayag ng award-winning actor.

Aniya pa, “I’m very grateful for the trust, for building on the idea, at dahil ‘dun nanganak ang tahanan naming maliit sa isang mas magandang konsepto which is ‘Bonggang Villa’ kaya maraming salamat APT for everything and of course, sa GMA, for trusting us with this one.

“Para sa amin hindi lang siya trabaho or task as an actor, this is also very personal to us, dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of through co-producing and creating,” lahad pa ng Kapuso Primetime King.

Super agree naman si Marian sa naging pahayag ng asawa, “Isa ito sa mga pinangarap namin, lalo na sa akin kasi ang tagal ko nang hindi lumabas sa primetime, hindi ako makapaniwala na totoo na ito, na mangyayari na ito kasi pangarap ko talaga magkaroon ng sitcom kasama si Dong.

“So ito na ang pangarap na ‘yun kaya sabi ko sa mga taong nagmamahal at naghihintay, malapit n’yo nang mapanood sina Maria at Jose,” chika ni Marian.

Dagdag naman ni Dong, “Hindi lang siya isang trabaho or isang task as an actor, it’s also very very personal for us kasi dream namin ‘to eh.”

“Bukod sa makasama namin ang isa’t isa ulit, dream din namin na makabilang sa isang show na we are also a part of through co-producing and creating,” aniya pa.

Magsisimula na ang “Jose & Maria’s Bonggang Villa” sa May 14 kaya abangan!
https://bandera.inquirer.net/297667/dingdong-miss-na-miss-na-si-misis-at-2-anak-marian-payag-na-ba-sa-faceface-classes

https://bandera.inquirer.net/310685/marian-feel-na-feel-ang-pagiging-nanay-nagturo-ng-kagandahang-asal-sa-mga-grade-2-students

https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko

Read more...