Bela Padilla nakapag-adjust na sa buhay-London: I’m starting to feel na du’n na muna ako talaga…

Bela Padilla nakapag-adjust na sa buhay-London: I'm starting to feel na du'n na muna ako talaga...

MADALING nakapag-adjust ang Kapamilya actress, scriptwriter at director na si Bela Padilla sa solong pamumuhay niya sa London.

Umuwi sa Pilipinas kamakailan ang dalaga makalipas ang halos isang taong pamamalagi sa London kasama ang Swiss-Italian boyfriend niyang si Norman Bay.

Ito’y para mai-promote ang bago niyang pelikula na “366” under Viva Films. Ito ang directorial debut ni Bela na siya rin ang sumulat at isa rin sa mga producer.

Ayon sa dalaga, masasabing sa London na siya naka-base pero babalik at babalik pa rin siya sa Pilipinas lalo na kung may magandang trabahong iaalok sa kanya.

Sey ni Bela, medyo nakapag-adjust na rin siya sa buhay niya sa London, “Kasi, magwa-one year na rin po, e. Medyo naka-adjust na po, saka may friends na rin ako doon.”

“May favorite places na lagi kong pinupuntahan. So, parang I’m starting to feel na du’n na talaga.

 

 

“Medyo madali na po akong naka-adjust sa culture nila. Yung daddy ko po kasi, British. Saka yung mga ate ko po, nakatira du’n,” aniya pa nang makachikahan ng ilang members ng press after ng special screening ng “366” last April 20 sa isang mall sa Quezon City.

Aminado naman ang actress-director na nakaka-miss din ang showbiz at ang buhay niya rito sa Pilipinas, lalo na kapag naiisip niya ang kaibigan niyang celebrities.

“Marami, marami akong nami-miss. Kaya lang, parang for now, I guess ang dami kong realizations nu’ng pandemic. Kaya ako nag-decide na lumipat muna for the meantime sa London,” sey ni Bela.

Samantala, may nagtanong naman kay Bela kung ano ang reaksyon niya sa mga nagkokomento na si Zanjoe raw talaga ang super nag-shine sa “366” dahil in fairness, napakagaling naman talaga ng aktor sa movie.
Given na raw kasi ang husay nina Bela at JC Santos sa pelikula pero ibang-ibang Zanjoe raw ang napanood nila sa unang movie na idinirek ng Kapamilya actress at Vivamax star.

“I’ll be happy about that po if ever that’s what they take away. Kasi, tatlo na po yung ibinigay nila dito na trabaho. So, kung hindi siya maalala as a Bela performance, I’m okay.

“If it’s a JC performance or a Zanjoe performance, I’ll be very happy. I also think, parang even on set naman, minsan talaga pinapanood ko lang silang dalawa.

“Lalo na si JC, kahit konti yung scenes niya, sobrang markado, di ba? Ginalingan niya talaga kahit nung nagmumulto na lang siya. Nagpapatak pa rin siya ng mga apat na luha.

“Si Zanjoe, ganu’n din, nanonood na lang ako du’n sa ibang scenes namin. Kasi, he really performed. So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well,” katwiran ni Bela.

Streaming na ngayon ang “366” sa Vivamax at halos lahat ng napagtanungan naming nakapanood na nito ay bet na bet ang movie.

 

Related Chika:
Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete!

Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage

Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?

Read more...