Bakit nag-sorry si Mommy D sa mga um-attend sa campaign rally ni Manny Pacquiao sa San Juan?

Manny Pacquiao at Dionisia Pacquiao

TODO ang pagso-sorry ni Mommy Dionisia Pacquiao sa lahat ng taong dumalo sa campaign rally ng kanyang anak na si Sen. Manny Pacquiao na ginanap sa San Juan City nitong nagdaang weekend.

E, kasi raw, hindi siya nakapag-prepare ng production number at exhibition dancing para sa mga supporters ng kanyang anak na kumakanditatong pangulo ng Pilipinas ngayong 2022 elections.

Ayon kay Mommy D, ipagdiriwang na niya ang kanyang 73rd birthday sa darating na May 15 kaya ang wish niya, sana’y suportahan ng sambayanang Filipino si Manny Pacquiao sa May 9.

Kuwento ng nanay ni Pacquiao, na-miss daw niya ang Maynila dahil tulad ng ibang mga taga-probinsya “nakulong” din daw siya sa General Santos City mula nang magkapandemya.

Sa katunayan, may mga commercial pa raw sana siyang gagawin noon pero napurnada rin dahil sa pandemya.

“Di pa n’yo ako nami-miss na hindi niyo ako nakita dahil sa pandemic?” ang tanong ni Mommy D sa mga um-attend ng rally ni Manny.

“Pati commercial ko, na-stop dahil sa pandemic, hindi tayo makalapit sa tao. Nami-miss ko na ang Manila. Nagpunta ako dito sa Manila,” dugtong pa ni Mommy D.

Hirit pa niyang tanong sa audience, “Sino ang madaming mahirap dito? Pataas ng kamay!” Shookt naman si Mommy D sa tugon ng mga tao, “Sus! Ang daming mahirap!


“Gusto ba niyong magpatuloy ang hirap? ‘Yan ang hinahangad ko (matigil na ang kahirapan). Nanghingi ako sa inyong puso, ang anak ko, inyong suportahan sa Mayo 9,” pakiusap pa ng nanay ni Pacquiao.

Kasunod nito, humingi nga ng paumanhin si Mommy D dahil wala siyang naihandang kanta para sa lahat ng dumalo sa rally.

“Pero sa nakita ko ngayong gabi sa daming tao, ibig sabihin mahal na mahal ninyo ang aking anak. Mahal na mahal ko kayong lahat. Kahit may edad na ako, nag-dancing ako para makita ninyo ako.

“Sino ang senior citizen dito? Ang dami! Ilang taon ako, ilang taon? Seventy-three years old na ako sa Mayo.

“Gusto ko, iregalo niyo sa aking birthday ang pagboto niyo sa anak ko. Kapag manalo si Manny, malaking birthday ang darating sa buong Mindanao,” ang promise pa ng komedyanang mother ni Sen. Manny.

Nakagawa na ng dalawang pelikula si Mommy D noon, ang “Tatlong Bibe” at “Ang Tanging Pamilya” with Ai Ai delas Alas and Joseph Estrada, bukod pa ito sa ilang guesting niya sa iba’t ibang TV show.

https://bandera.inquirer.net/291311/mommy-dionisia-kay-pacquiao-ngayong-natalo-siya-magretiro-na-siya

https://bandera.inquirer.net/286787/bl-actor-hinaras-nga-ba-ng-direktor-kaya-magdedemanda
https://bandera.inquirer.net/304340/resbak-ni-rita-avila-sa-haters-ni-vp-leni-mas-magandang-nakaaangat-ang-kabutihan-kesa-sa-kasamaan

Read more...