Nadine 6 years tinira-tira ng bashers: Gurl, naranasan ko na yan lahat…every year na lang buntis, wala bang bago?

Nadine Lustre

SA loob ng anim na taon, kinaya ng Kapamilya actress at singer na si Nadine Lustre ang lahat ng pambabastos at pambu-bully ng mga “negatron” sa social media.

Ayon sa dalaga, halos lahat na ng klase ng pamba-bash at panlalait ay naranasan na niya mula nang pumasok siya sa entertainment industry.

Kaya naman, talagang nakaka-relate raw ang fan-proclaimed “President” sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Sa isang video message, nagbigay ng ilang rason si Nadine kung bakit pumayag siyang lumantad at manindigan para kay VP Leni, “Mga kababayan, a message from your president. Charot lang. It’s time for a new president.”

Dito nga niya nabanggit ang naging karanasan niya sa sandamakmak na fake news at patuloy na pambu-bully sa kanya ng mga haters sa social media sa loob ng anim na taon.

“The past 6 years? Gurl, I went through all of it. From bashers, intriga to fake news left and right. Every year na lang buntis? Wala na bang bago?

“Kinaya ko naman. I don’t need no savin’. I’m no damsel in distress pero gusto ko rin naman ng peace of mind,” pahayag ng aktres.

Nagbiro pa si Nadine na siguradong mapagkakatiwalaan daw ang papalit sa kanya bilang “president”, “Don’t worry, mga kababayan. We will make sure na qualified ‘yung papalit sa akin. I know someone who went through worse.

“Bashers, intriga, fake news for the past six years but she still served tirelessy, faithfully, wholeheartedly dahil alam niyang deserve nating mga Pilipino. Ibang klaseng husay at tibay just to drown out the noise,” aniya pa.

Ipinagdiinan din ni Nadine ang mga nagawa ni VP Leni noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, “She speaks up for you and helps you to find your voice. Kapag mahal ka, babalikan ka.

“Ganyan ang presidente. ‘Yan naman ang gusto nating lahat diba? ‘Yung laging present at hindi ka iiwan,” sey ng dalaga.

“Kaya mga kababayan, magtiwala tayo, ako na ‘to eh. Lahat naman tayo gusto ng tahimik na buhay, di ba?


“Someone who can make us sleep better at night. Someone who can draw out our goodness. And someone who can make us proud of ourselves,” dugtong ng ex-girlfriend ni James Reid.

“Mga kababayan, this is President Nadine confidently saying, c’mon, guys, it’s 2022 at walang mas qualified na maging qualified na susunod na presidente. Madam Leni, I got you. Mabuhay ang Pilipinas,” bahagi pa ng mensahe ni Nadine Lustre.

Matatandaang tinawag na “president” si Nadine ng kanyang mga supporters nang simulan niya ang pagtulong sa mga nangangailangang miyembro ng LGBT community at sa mga naging biktima ng mapaminsalang Typhoon Odette sa Siargao.

https://bandera.inquirer.net/311310/kim-chiu-naiyak-sa-mensahe-ni-leni-robredo-made-my-birthday-complete
https://bandera.inquirer.net/308505/jelai-andres-biktima-rin-ng-pambu-bully-sinampal-ng-kaklase-pinuri-ni-rhea-tan-bilang-epektib-na-endorser

https://bandera.inquirer.net/293642/hugot-ni-isko-opo-lumaki-akong-busabos-ngunit-hindi-ako-naging-bastos

Read more...