Kaibigan ni Skusta Clee rumesbak kay Xian Gaza: Ano’ng klaseng nilalang ka? Karma’s a b*tch!

Xian Gaza, Skusta Clee at Zeinab Harake

ILANG araw na ang nakararaan ay hindi pa rin nililinaw ng tinaguriang Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza ang balita tungkol sa babaeng kasama ng rapper na si Daryl Ruiz o Skusta Clee na siyang dahilan umano kaya naghiwalay sila ng influencer na si Zeinab Harake.

Ang babaeng nadawit ay nagngangalang Evette Wilson na matagal ng kaibigan ni Skusta bago pa nito nakilala ang ina ng anak niyang si Baby Bia.

Base sa inilabas na palitan ng mensahe ni Evette nina Xian at Zeinab na Zebby ang gamit na pangalan sa Facebook account, sinabihan ng huli ang lalaking tsismoso na huwag idamay ang una dahil kaibigan talaga ito ni Daryl.

Sinagot naman ito ni Gaza ng, “Okay lilinisin ko name niya as you wish.”

Pero hindi pa ito ginawa ni Xian kaya nag-post ang kaibigan ni Skusta ng, “Another conversation nila, ‘Lilinisin ko name nya’ kuno. Pero never apologized for the damage he created. Namilosopo pa sa so-called ‘paglinis’ nya ng pangalan ko.”

At hindi na nakatiis si Evette dahil naglabas na siya ng mahabang post sa kanyang FB account para linisin ang kanyang pangalan.

Aniya, “For the sake of my peace, my family’s peace and for the peace of all parties involved, it is now time to settle this once and for all and clear my name.

“Maliban sa nasa byahe ako pabalik ng US, binigyan ko na din ang sarili ko at ang lahat ng oras para makapag isip, at mag reflect on their thoughts and actions regarding this issue.

“I hope that at this time, everyone is in the right mental capacity to understand and absorb this information provide the right judgment. Basahin n’yo ng maigi at nang maliwanagan kayo.”

Dito niya ikinuwento na matagal na silang magkaibigan ni Skusta bago pa dumating sa buhay ng rapper si Zeinab.

“Again, kami ni Daryl ay matagal ng magkaibigan. Before and after Zeiryl, I have always been around as both of their friend, but more so as Daryl’s friend. Madami ang saksi jan. Di ko na kailangan patunayan sarili ko sa inyo, So, if you know, then you know.

“Since this issue broke out, I’ve noticed that people were so quick na mag assume and blame me even without concrete proof. Even being inconsiderate about the fact na ‘yung dalawa ay may mabigat pa na pinagdadaanan ngayon,” punto ni Evette.

Ang sinasabing may mabigat na pinagdaraanan ay dahil nawala (nakunan) ang ikalawang anak sana nina Skusta at Zeinab na si Baby Moon.

Sa pagpapatuloy ni Evette, “Nakakalungkot isipin na napakabilis ng iba na makisawsaw sa chismis at mag judge ng kapwa as if kayo, eh napaka-perpekto n’yo. Lahat ng possibleng blame eh binato n’yo saken para lang ma-feed n’yo ‘yung mga gawa-gawa n’yong illusyon sa ulo n’yo na dahilan ng pagka-sira ng relasyon nila.

“Personal na buhay po ang pinag-uusapan dito. Wala po kayong right na mag demand ng sagot about their life and their personal choices. Ang problema sa inyo, puro kayo sunggab kahit wala na sa lugar. Ang hilig n’yong makealam sa buhay ng iba imbes na ayusin nyo yang mga sarili nyo at nang mejo lumawak din sana pag-iisip n’yo.

“Lahat ng tao may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay na dapat nyo nirerespeto at bigyan ng malawak na pang-unawa.

“Sa mga nangbabastos saken at sa mga pamilya ko jan Nakakasuka kayong mga mapanlait sa kapwa. Nakakaawa isipin na pabata ng pabata tong gumaganto sa social media.

“Imbes na gumagawa kayo ng mga module n’yo, nagpapaka- warrior kayo sa social media na hindi na maintindihan kung may saysay pa ba ‘yang pinaglalaban n’yo.

“Pati na din kayong mga Marites na walang ginawa kundi mang bantay ng latest chismis, Ano yan? Life goal n’yo? Sana naman nabubusog n’yan ng literal mga tiyan nyo. Sana napapakain din n’yan ang mga pamilya n’yo.”

At ang huling talata ng mensahe ni Evette ay patungkol kay Xian na bagama’t hindi niya binanggit ang pangalan ay halata naman kung sino dahil ginamitan niya ng terminong “leader.”

Say ni Evette, “To the one and only Leader of the Marites gang who so praises himself for all these disgusting sh*t that he does, what kind of entity are you? How do you enjoy feasting on other people’s agony? How ignorant are you? How do you live? How do you sleep at night?

“You have no business posting my face, immediately making me a target for all these people. You need to stop dragging innocent people along with your bullsh*t. I hope you realize how sh*tty of a person you are for continuously targeting people and their personal issues for your entertainment.

“You are one of the most rotten piece of ball sack this world has to offer. How dare you talk about depression when your own actions trigger depression for others. Insensitive prick.

“For once try using the littlest brain cells you have left and make yourself useful in this world by using your platform for something positive. Karma’s a bitch and it’ll eventually catch up to you.”

Pinasalamatan ni Evette ang pamilya’t mga kaibigan dahil sa suportang ibinigay sa kanya sa panahong nilalait siya sa social media dahil sa maling akala.

“Lastly, thank you to all my family and friends that showed their support, physically, mentally, and emotionally. For those who defended me, I deeply appreciate all of you. Despite my silence these past few days, it’s very heartwarming to see how people were truly there and protected me in every way possible.

“FAKE NEWS SHOULD NEVER BE TOLERATED. GOD BLESS YOU ALL.”

Samantala, may sagot naman agad si Xian by posting again the pictures of Skusta and Evette.

Ang komento niya sa litrato, “Basta ako malinis ang konsensya ko. Kasalanan ba sa Diyos ang mag-reupload ng litrato? Oh? Kailan pa? Hindi ako nainform.

“May sinabi ba akong masama against sa kanya? Wala naman ‘di ba? Wala ngang caption eh. Kayo lang naman yung nag-assume and that’s not my problem anymore. Haha!

“HUWAG NIYO KONG MADAMAY-DAMAY SA GULO NA YAN HA PWEDE BA AT NANANAHIMIK AKO DITO SA EUROPE. THANKS.”

https://bandera.inquirer.net/310900/skusta-clee-nakabuntis-nga-ba-kaya-hiniwalayan-ni-zeinab-harake

https://bandera.inquirer.net/311525/xian-gaza-nanganganib-makasuhan-ng-cyber-libel-sa-pakikisawsaw-kina-skusta-clee-at-zeinab-harake

https://bandera.inquirer.net/286734/vlogger-zeinab-harake-ipinakita-na-ang-mukha-ng-baby-nila-ni-skusta-clee-meet-baby-zebbiana

Read more...