Erich mas gumanda at sumeksi matapos ikasal, pinayagan agad magtrabaho ng asawa

Erich Gonzales

MUKHANG magbabalik-teleserye na si Erich Gonzales matapos ang kanyang kasal dahil may pictorial siya nitong Sabado base sa post niya sa Instagram.

Ipinost ng Kapamilya actress ang black and white photo na nakasuot ng mahabang damit at naka-pose sa harap ng kamera habang mau litrato rin siya habang inaayusan ng make-up artist na si RB Chanco.

Ang caption ng aktres sa larawan niya ay “Soon.”

Halos lahat ng nabasa naming komento sa post ni Erich ay nagsasabing miss na miss na nila si Erich at excited na silang mapanood muli sa TV ang aktres.

Walang pagbabago sa pangalan ni Erich, hindi pa niya ginagamit ang apelyido ng asawang si Mateo Lorenzo. Ikinasal sila noong March 23 sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.


Ang make-up artist na si RB ay nag-post din ng larawan nila ni Erich sa kanyang IG account na ang caption ay, “And there she is- my ever beautiful and extra glowing dearest friend Mrs. Lorenzo.”

Ang ganda-ganda ni Erich, blooming siya sa ginanap na pictorial bagay na napansin din ng kanyang mga IG followers.

Sabi ni @realheidigil, “Super Ganda ni Mrs. Lorenzo!!”

Gayun din si @raquelcruz0825, “So pretty. Mrs Lorenzo.”

Masaya naman si @arianebanguisramirez para sa aktres, “So happy to see her again, a very beautiful Mrs. Lorenzo.”

One word lang din ang nasabi ni @jhenenaj26, “Gondoh. Mrs. Lorenzo.”

Nagpasalamat naman si @brokasleda2018, “Marriage becomes U. Stay Happy. Thank u RB for this post.”

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

https://bandera.inquirer.net/309026/lolit-solis-maligaya-para-kay-erich-gonzales-ipinaglaban-siya-ni-mateo-

Julia pinainit ang socmed sa hot na hot na sexy birthday pictorial

Read more...