Letran asintang muli ang liderato

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Perpetual Help vs Mapua
6 p.m. EAC vs Letran
Team Standings: San Beda (11-2); Letran (10-2); Perpetual (10-3); San Sebastian (8-5); JRU (5-7); EAC (5-7); St. Benilde (5-8); Lyceum (4-9); Arellano (4-9); Mapua (1-11)

SALUHAN uli ang San Beda Red Lions ang balak ng Letran Knights habang manatiling nakadikit sa unahan ang nais ng University of Perpetual Help Altas sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Solong nasa unahan ang San Beda sa 11-2 baraha matapos pataubin ang College of St. Benilde Blazers noong Huwebes, 65-46, ngunit maaaring hindi magtagal na nasa ganitong puwesto ang nagdedepensang kampeon lalo pa’t ang Letran ay makikipagsukatan sa Emilio Aguinaldo College Generals sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

Kung manalo pa ang Knights, mapapantayan nila uli ang Red Lions sa unahang puwesto.

Ang Altas ay makikipagtagisan sa talsik ng Mapua Cardinals sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon at ang makukuhang panalo ng una ay magreresulta para sa ika-11 panalo at maiwanan pa rin ng kalahating agwat ng San Beda at posible rin ng Letran.

May two-game winning streak ang Perpetual na naiposte sa Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers at pinapaboran ang Altas matapos kunin ang 73-68 iskor  kontra Cardinals sa unang ikutan.

Read more...