PAHINGA muna sa pagpapakita ng hubad na katawan at paggawa ng mga matitinding sex scenes ang Vivamax artist na si Rhen Escano.
Unang nakilala ang dalaga sa mga sexy films ng Viva tulad ng “Adan,” “The Other Wife”, “Paraluman” at ang lesbian series na “Lulu”.
But this time nga, ibang-ibang Rhen Escano naman ang matutunghayan ng mga manonood sa horror movie na “Rooftop”, na siyang unang Filipino movie na ipalalabas sa mga SM cinemas simula sa April 27.
“Yes, mananakot naman kami rito nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz at Marco Gallo. Sa kuwento may mapapatay na estudyante habang nagkakasayahan kami sa rooftop ng school.
“We covered the crime but then our victim, played by Epy Quizon, returns to haunt and take revenge on each of us,” kuwento ni Rhen.
“Rooftop” is written, directed and photographed by Yam Laranas na siya ring nasa likod ng mga hit horror flicks na “Sigaw”, “The Road” at “Aurora”.
Kuwento pa ni Rhen, “I’ve worked with Direk Yam sa ‘Paraluman’ which is more of drama. E, mas kilala siya talaga sa horror at ito talaga ang genre niya.
“First horror film ko naman ito and I’m glad na sa first horror project ko, siya ang director ko kasi tinulungan niya talaga ako. We’re all lucky na siya ang director namin dito,” aniya pa.
Inamin naman ni Rhen na medyo nahirapan siya sa kanilang mga scary scenes aa movie, “Ang feeling ko, parang hindi ko nagagawa nang tama ang mga eksena ko.
“I was asking Direk Yam kung effective ba akong mapa-feel talaga sa audience na matatakot sila sa scene na ito. Sabi ko, kasi ako, direk, parang wala akong napi-feel,” dagdag pang pahayag ng sexy star.
“So noong una, medyo nangangapa pa kami. Sa lahat, si Ella Cruz ang naging ka-close ko while shooting the film. Binigyan pa niya ako ng souvenir na bato, a crystal na pampaswerte raw sa buhay ko.
“I told Direk Yam na nahihirapan akong i-build up yung feeling ng sobrang takot ng character ko. But sila ng buong team niya, they all helped us in the scary scenes. We were able to hit all the right notes to scare the viewers.
“Magaling yung buong creative team kasi magaganda ang visuals nila,” sey pa ni Rhen na sinigurong mag-eenjoy ang mga magbabarkada na manonood ng “Rooftop” lalo pa’t sa sinehan na ito ipalalabas.
https://bandera.inquirer.net/293526/rhen-escano-10-taon-naghintay-bago-bumida-sa-pelikula-hindi-ako-sumuko-laban-lang
https://bandera.inquirer.net/311679/kylie-verzosa-inaming-hindi-na-sila-nagkakausap-ninjake-cuenca-pahinga-muna-ang-puso-work-muna
https://bandera.inquirer.net/299715/rhen-escano-posible-bang-ma-in-love-sa-lesbian-partner-niya-sa-pelikulang-lulu