EA Guzman nakapagpundar na ng mga ari-arian: Very careful ako sa kinikita ko, dapat wais talaga sa paggastos

Pauline Mendoza at Edgar Allan Guzman

PARA sa Kapuso actor at singer na si Edgar Allan Guzman, isang big blessing sa buhay niya ang hit GMA primetime suspense serye na “Widow’s Web” na magtatapos na this week.

Si EA bilang si Frank Querubin ang nakulong matapos mapagbintangang pumatay sa karakter ni Ryan Eigenmann bilang head ng Sagrado Family.

Ngayong malapit nang magtapos ang “Widow’s Web”, abangan ang mas matitindi pang pasabog ng Kapuso serye at ang big revelation sa ending nito.

“It’s a good show, the script is very well written at puro magagaling ang kasama kong artista kaya hindi kami nagtaka when it rated so high every night,” pahayag ni EA.

Aniya pa, “First time ko to be paired here with Pauline Mendoza who plays my girlfriend na gagawin ang lahat to prove na wala akong kasalanan sa krimeng ibinibintang sa akin.

“Alam mong nagki-click ang show kasi everywhere I go, tinatanong nila sa akin kung ano na ang mangyayari at sino ba talaga ang killer, which of course, hindi ko naman puwedeng i-reveal,” sabi pa ng aktor.

Bukod sa kaabang-abang na takbo ng kuwento, isa pa sa pwedeng ipagmalaki ng buong production ay ang superb acting ng cast members, kabilang na nga riyan ang apat na lead character na ginagampanan nina Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Vaness del Moral at Pauline Mendoza.


“Wala kang itulak-kabigin so you also have to give your best para hindi ka mapag-iwanan ng mga kasama mo sa eksena.

“Tapos, ang galing din ng direction ni Direk Jerry Sineneng, so we have a really good episode every night,” pagsang-ayon ni Edgar Allan.

In fairness, mula nang naging Kapuso ang binata ay talagang hindi na siya nawawalan ng proyekto at super happy din ang lovelife niya sa piling ng Kapuso actress na si Shaira Diaz.

“Ang haba na rin ng itinakbo ng career ko and I’m so proud na I’ve won best actor awards for films like ‘Ligo na U, Lapit na Me’ and ‘Astig’.

“Malaki rin ang pasasalamat ko sa GMA as I’ve done several good projects with them through the years, like ‘The Stepdaughters’ and ‘Dragon Lady’, at hindi naman ako nababakante.

“Last year, I was in two shows, ‘Heartful Cafe’ and ‘Agimat ng Agila’, at heto nga kai-start lang ng new years, nakasama naman ako sa ‘Widow’s Web’, so I cannot complain,” aniya pa.

Proud na proud din si EA sa naipatayo niyang bahay para sa kanyang nanay bukod pa sa nabili niyang property sa Tagaytay.

“Very careful ako sa kinikita ko. I make sure I spend it wisely at napupunta sila sa magagandang investments,” pahayag pa ng binata.
https://bandera.inquirer.net/306453/ea-na-challenge-sa-bagong-role-sa-widows-web-kulitan-nina-mikael-at-megan-sa-the-best-ka-pak-na-pak

https://bandera.inquirer.net/285445/david-edgar-nakatanggap-na-ng-indecent-proposals-ea-inalok-ng-p100k-kapalit-ng-eyeball

https://bandera.inquirer.net/308513/carmina-ashley-patalbugan-ng-akting-sa-widows-web-batuhan-ng-linya-pak-na-pak-sa-manonood

Read more...