Iya Villania mas feel ang kaseksihan kapag buntis; excited na sa paglabas ng baby No. 4

Iya Villania

KNOWS n’yo ba na mas feel at mas confident magsuot ng two-piece bikini ang Kapuso star na si Iya Villania kapag siya’y nagdadalang-tao?

Yes! Yan ang inamin ng TV host-actress sa bagong paandar niya sa social media kung saan ibinandera niya sa publiko ang patuloy na paglaki ng kanyang baby bump.

Nag-post ang misis ni Drew Arellano ng ilang litrato niya sa Instagram with her black two-piece underwear/swimsuit na tila galing lang sa pagwo-workout o pagsu-swimming.

Aniya sa caption, “#MaternityShoot….Not! But the most we’ll get   #PostSwimPic. For those of you who know me, I’m quite conservative so to see me in a swimsuit must mean I’m confident.”

Hirit pa niya, “For some reason, it’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

“Not long before we meet the little man inside my belly 6 more weeks!!!!” pahayag pa ng TV host kasunod ang hashtag #Arellano4ComingVerySoon.


Kamakailan, proud na proud ding ibinilad ni Iya ang kanyang baby bump nang magbakasyon sila ng kanyang pamilya sa Boracay.

“Finally got to wear my @ilovekoiswim suit but failed to get a matchy matchy pic with the boys, this mothering with matching outfits is hard ah!” ang inilagay niyang caption sa photo.

Noong January in-announce ni Iya na buntis nga siya sa fourth child nila ni Drew. Inutusan ng Kapuso star ang panganay na anak na si Primo para sorpresahin si Drew sa kanyang pagdadalang-tao.

“Medyo nag-i-struggle na ako to keep it a secret because morning sickness this time around has not been good. Actually medyo all-day sickness.

“That’s been the hardest part. Things that I used to like, hindi ko masyadong like. Even my juices that I would look forward to drinking in the morning and at night, hindi ko rin type,” pahayag ni Iya sa isa niyang vlog.

Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014 at biniyayaan na ng tatlong anak, sina Primo, Leon at Alana. Nakatakdang manganak ang TV host-actress ngayong darating na June.
https://bandera.inquirer.net/302072/kumpirmado-iya-villania-buntis-uli-sa-4th-baby-nila-ni-drew-arellano

https://bandera.inquirer.net/284773/bakit-napaiyak-si-iya-nang-magsilang-ng-baby-girl

https://bandera.inquirer.net/304451/iya-sa-anniversary-nila-ni-drew-18-years-together-8-years-married-and-still-forever-to-go

 

Read more...