Ria Atayde kakaririn na ang pagiging producer, hindi type maging vlogger

Ria Atayde at Sylvia Sanchez

SalA simula ng virtual mediacon ng iWantTFC series na “Misis Piggy” bago ipakilala ng host na si Eric John Salut si Ria Atayde ay nabanggit nitong may tinanggihan siyang big project.

Talagang ipinanalangin daw nilang makuha sana ito ng aktres dahil bagay na bagay sa kanya ang role, pero hindi ito nangyari kaya nalungkot silang mga nagrekomenda sa dalaga.

Kaya nang makita namin si Eric sa screening ng “Misis Piggy” sa Santolan Town Plaza ay tinanong namin kung anong project ito, sabi lang ng head publicist ng Dreamscape Entertainment, “I’m not allowed to say it, pero sayang talaga ang ganda-ganda at bagay na bagay kay Ria.”

Siyempre hindi kami papayag na hindi ito malaman kaya nang makausap namin ang aktres pagkatapos ng screening ay ibinigay nito ang dahilan kung bakit niya tinanggihan ang proyekto.

Aniya, “Kailangang hindian kasi physically taxing, I got back surgery I’m not allowed to harness, I’m not allowed to do action pa, so, I had to say no!”

Sabi pa ng dalaga na sino ba naman ang may gustong tumanggi sa project ngayong panahon ng pandemya, maswerte nga raw at na-consider siya pero hindi talaga puwede at ayaw rin niyang banggitin kung anong proyekto ito dahil hindi rin siya allowed.

Hirit ng editor naming dito sa BANDERA na si Ervin Santiago kung “Darna” ba ito, ngumiti muna si Ria sabay sabing, “I don’t know if I’m allowed to talk about it, so, let’s not talk about it.”

Hmmm, hindi nga kaya siya sana ang makakalaban ni Darna o baka may ibang karakter na iba para sa kanya pero same project?

Anyway, co-producer ang magkakapatid na Ria, Gela, Xavi at Arjo Atayde sa iWantTFC series na “Misis Piggy,” base sa kuwento ni Sylvia Sanchez at ang line producer ng bagong digital series ay ang Epic Media na pinamamahalaan naman ni Iana Bernardez (anak ni Angel Aquino) na kasama rin sa series.

“Since the pandemic kasi gusto na muna ni mommy (Sylvia) magpahinga sa acting, so, ang naisip niyang solusyon is to still feel her need sa industry is to start producing.

“So, nu’ng nilapitan siya ng iWant to offer the role for her as an actress somehow it evolves into her partner na rin with them to produce it financially. So, we assisted in any way that we could,” paliwanag ng dalaga.

Hands-on producer ang mag-inang Ibyang at Ria dahil dumaan naman daw sa kanila kung sino ang mga makakasama nilang artista sa “Misis Piggy” at inaprub nila kaagad dahil lahat ay mahuhusay at magaan katrabaho.


Samantala, ngayong nasubukan na ng dalaga ni Ibyang ang pagpo-produce ay kakaririn na niya ito bukod sa pagiging aktres kumpara sa hosting, directing at pagsusulat ng script.

“Wala po akong mata sa pagdidirek, siguro producer lang talaga. Ang possible magdirek si Gela (sumunod sa kanya) for sure. Gela has the eye for directing, not me! I have the patience in producing but not directing. Gela has the capacity to do it,” katwiran ni Ria.

At tungkol naman sa hosting ay okay sa kanya ang mag-host ng events pero as TV host mismo ay hindi niya kaya.

“Wala pang proper offer for talk shows of whatever but I realized talk show iba rin ‘yung level na ii-invest mo ro’n as a person.

“Matsika akong tao, ah. But the thing about talk show kasi iba ‘yun.  Everything in our lives as actors already so public, so, kung talk show host ka you’re forced to share even more,” paliwanag ni Ria.

Kung ano raw ‘yung nase-share niya sa social media account niya ay okay na ‘yun as a person pero kapag talk show host ay kailangan may ise-share siyang bago araw-araw, “Nakakapagod, ibang level din yun,” diin ng dalaga.

Hindi rin niya type mapunta sa news dahil mas gusto niya ang entertainment kung saan siya nagsimula bilang artista.

Hindi rin niya gusto ang maging vlogger, “Qala po akong pasensya.  Kailangang sobrang sipag at tiyaga. You have to think your own concept everyday and shoot that. I’m okay, aarte na lang ako.”

Anyway, mapapanood na ang “Misis Piggy” simula ngayong gabi, April 25 sa iWantTFC at Mother’s d
Day offering ito ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, Dreamscape Entertainment, Nathan Studios, at Epic Media na isinulat at idinirek ni Carlo Enciso Catu.

Makakasama ni Ria rito ang nanay niyang si Sylvia Sanchez with Elijah Canlas, Iana Bernardez, Rubi Rubi, Nikko Natividad at Ricky Davao.

https://bandera.inquirer.net/311433/ria-atayde-pinaiyak-ni-sylvia-sanchez-sa-harap-ng-press-never-akong-humingi-ng-favor-para-sa-mga-anak-ko

https://bandera.inquirer.net/292493/joshua-sinagip-nina-kathryn-daniel-ria-at-sofia-habang-nalulunod-sa-kalungkutan
https://bandera.inquirer.net/311617/ria-atayde-nagbigay-ng-dahilan-kung-bakit-imposibleng-maging-dyowa-niya-si-joshua-garcia

Read more...