BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

BB Gandanghari

PINATUNAYAN ni BB Gandanghari na she has a to-die-for bod when she posted a short video ng kanyang photo shoot.

Clad in a black one-piece habang nakaupo sa isang French chair, napaka-flawless ni BB Gandanghari sa pose niya. Talagang parang babaeng-babae na siya.

“#selfvalidation … what is the feeling of having recognized, confirmed, or stablished one’s own worthiness or legitimacy.” That was BB Gandanghari’s caption sa kanyang short video.


Marami ang nag-comment sa sexy photoshoot na iyon ni BB at isa na rito si Regine Tolentino who said, “So bold, beautiful and fabulous.”

Marami ang humanga sa katawan ng kapatid ni Robin Padilla.

“Kabogera ka Mie.”

“Flawless pati singit talo pa tunay na babae!”

“Slay it girl, gorgeous!!!”

“Isn’t she lovely?! I love BB Gandanghari just as much as i love rustom padilla! stay well.”

“Wow. Sana po ma meet kita I am from Arizona po ang sexy!”

“Confidently beautiful.”

“OMG! So flawless BB.”

* * *

Sobrang nag-enjoy ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kanyang three-day vacation sa Boracay kasama ang kanyang partner na si Ion Perez at ang Team Vice Ganda.

Vice Ganda showed her room via her YouTube channel. Pagdating pa lang nila sa kanilang kuwarto, tila naimbiyerna na kaagad si Vice Ganda kay Ion dahil inilagay lang nito sa isang couch ang kanyang hinubad na medyas.

After that, ipinasyal ni Vice kasama si Jackie ang bawat room ng villa. Una niyang ipinakita ang receiving area, then the living room.

Ipinakita rin sa video ang galing ni Vice Ganda sa paglalaro ng volleyball. Awang-awa ang madlang pipol sa kasama ni Vice na twice tinamaan ng bola, sa ulo at sa mukha during their game sa beach na pinanood ng mga tao sa Bora.

Sa gabi, binigyan ang grupo ni Vice Ganda ng warm welcome sa beach na pinuntahan nila. Ang saya-saya ng grupo, talagang in-enjoy nila ang tatlong araw nilang bakasyon.

https://bandera.inquirer.net/297142/bwelta-ni-ogie-kay-bb-ini-expect-ko-naman-na-titirahin-niya-ako

https://bandera.inquirer.net/306743/bb-gandanghari-nagpa-mammogram-sa-us-first-time-ko-totally-feel-like-a-woman

https://bandera.inquirer.net/296906/bb-gandanghari-pumalag-kay-ogie-you-have-no-credibility-to-me

Read more...