Ria Atayde nagbigay ng dahilan kung bakit imposibleng maging dyowa niya si Joshua Garcia

Ria Atayde at Joshua Garcia

AMINADO ang Kapamilya actress at host na si Ria Atayde na talagang attractive  mabait at magaling makisama ang young actor na si Joshua Garcia.

In fairness, marami ang boto kay Joshua para sa anak ni Sylvia Sanchez mula nga nang matsismis na may “something” na raw sa kanilang dalawa.

Kaya naman nang makachikahan namin si Ria sa nakaraang special celebrity screening ng bagong digital family drama ng iWantTFC na “Misis Piggy” ay natanong uli namin ang dalaga tungkol sa kanila ni Joshua.

Game naman itong sinagot ng Kapamilya actress at tulad ng nauna na niyang naging pahayag, nagtataka pa rin siya kung bakit hindi pa rin natitigil ang relationship rumors sa pagitan nila ni Joshua.

Ngunit aniya, sinasakyan na lang daw nila ng binata ang mga chika about them, “Well, feel ko kasi we laugh about it talaga at this point.

“It’s Josh. He’s such a dear friend to me and I feel like it’s nice to know that we are as comfortable as we are with one another,” pahayag ng dalaga.

Kasabay nito, nabanggit din ng aktres na sa gitna ng pagkaka-link nila ni Joshua sa isa’t isa ay mas lumalim pa ang closeness nilang dalawa.

“Mas na-reassure ako na he’s everything. Rumored boyfriend ko nga raw siya pero mas nare-reassure ako sa lalim ng friendship namin for us to withstand the rumors and all.


“Whatever people throw at us, parang kampante ako that we could be friends forever,” chika ng anak ni Ibyang.

Sundot na tanong namin kung wala ba talagang chance na maging sila dahil marami nga ang nagsasabi na bagay na bagay sila at boto rin ang mga fans sakaling magkatuluyan sila.

Diretsahang sinabi ng dalaga na talaga namang attractive ang kanyang kaibigan, “Josh is an attractive guy, he’s just really younger and for me it’s such a alam niyo, ‘yon? I’m 30 and Josh is what turning 25 pa lang.”

Para kay Ria, alam rin niya secure ang friendship niya sa aktor, “I mean I get it, Josh is an amazing guy tama rin naman pero some people are better off as friends kasi that way.

“Mas secure ka na hindi mo siya mawawala in your life so I guess that’s it na lang rin na we’re better off as friends so at least I know I can keep him forever,” aniya pa.

Nagsimulang ma-link sina Ria at Joshua nang madalas silang makitang magkasama, kabilang na riyan ang pagbabakasyon nila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kasama ang mga kaibigang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging malapit rin si Joshua sa pamilya Atayde nang magkasama ang aktor at si Sylvia Sanchez sa Kapamilya series na “The Greatest Love.”

Samantala, mapapanood na ang “Misis Piggy” nina Ria at Sylvia simula sa April 28 na siyang magiging Mother’s Day special ng iWantTFC.

Kasama rin dito sina Iana Benaldez, Elijah Canlas, Nikko Natividad, Rubi Rubi, Ricky Davao at marami pang iba, sa direksyon ni Carlo Catu mula sa Dreamscape Entertainment.

In fairness, ang galing-galing lahat ng artista sa “Misis Piggy” at napakaganda ng tema at concept ng istorya kaya nga bitin na bitin kami sa first two episodes ng serye. At ang promise namin, susubaybayan talaga namin ang “Misis Piggy” hanggang sa katapusan nito.

Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Spine surgery kay Ria Atayde tagumpay: Feeling ko I’m brand new again

Read more...