Kylie Verzosa: Siguro may mga pagmamahal talaga na wala sa tamang panahon... Bandera

Kylie Verzosa: Siguro may mga pagmamahal talaga na wala sa tamang panahon…

Ervin Santiago |April 24,2022
share this

Kylie Verzosa: Siguro may mga pagmamahal talaga na wala sa tamang panahon…

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 04:09 PM

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

HINAYANG na hinayang ang mga kapamilya at mga kaibigan nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca matapos kumpirmahin ng aktor na totoong naghiwalay na nga sila ng dyowang beauty queen.

Marami ang nag-react na ramdam nilang mahal na mahal pa rin ng ex-couple ang isa’t isa pero kailangan na nilang iwan ang isa’t isa para sa ikatatahimik ng lahat.

Sigurado kaming love na love pa rin ni Kylie si Jake base na rin sa mga naging sagot niya sa mga ibinatong tanong sa kanya sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Ikaw Lang Ang Mahal”.

Mukhang hindi pa kayang magsalita ng former beauty queen tungkol sa breakup nila ni Jake sa simula pa lang ng mediacon ay nakiusap na siya sa members ng press na huwag na muna siyang tanungin about it.

Pero may ilang personal questions pa rin ang nakalusot tulad ng, “Kumusta na ang status o ang lagay ng puso mo ngayon?” In fairness, sinagot naman ito ni Kylie nang maayos.

“Ako po I’m getting better every day,” sabay tawa. Muli rin naman siyang nagseryoso at sinabing, “Yung totoo, I’m getting better every day, lumalakas everyday kasi alam mo naman yon nag-e-exercise tayo. Mahilig kasi akong mag-exercise kaya mas lumalakas ang puso ko,” paliwanag ng “Ikaw Lang Ang Mahal” lead actress.

Sumunod na tanong sa dalaga, kung may nagsabi na ba sa kanya ng “ikaw lang ang mahal” after ng “failed relationship” nila ni Jake.

“Hindi ko po naintindihan yung tanong,” ani Kylie kaya inulit ang question sa kanya. Sagot ng aktres, “Hindi ko po talaga siya matatawag na failed relationship.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Hirit na tanong ng manunulat kay Kylie, “Eh di ba nag-break na kayo? Kayo pa rin?” Sa puntong ito, natigilan si Kylie at hindi na sinagot ang tanong. Kitang-kita sa itsura nito ang pagkaimbiyerna.

At sa tanong kung naniniwala ba siyang mahal ang magmahal, “Importante po ang magmahal. Hindi ko siya kinokonsider na gastos kasi mahal ko yung tao.”

Samantala, natanong din si Kylie kung kanino ba niya unang sinabi ang titulo ng pelikula niya na “ikaw lang ang mahal.”

“Una kong sinabihan romantically, siguro nu’ng ako, mga padulo na ng college ko, yung una ko pong boyfriend. Siya yung sinabihan ko ng ikaw lang yung mahal ko,” ani Kylie.

Pero kung tatanungin siya ngayon kung kanino niya sinasabi ang nabanggit na titulo,“Ang sarili ko, ‘siguro ikaw lang ang mahal ko! Kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko.”

Sa tanong naman kung ano ang natutunan niya sa ginagampanan niyang role sa pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal”, “Ang natutunan ko po kay Lira, siguro may mga pagmamahal na wala sa tamang panahon.

“Siguro puwede mong mahalin ang isang tao pero mali ang… you know, the right love at the wrong place and wrong time,” tugon ni Kylie.

Nauna nga rito, inamin na ni Jake na nag-break na sila ni Kylie sa pamamagitan ng isang Instagram  post kahapon, April 23. Aniya, “I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best.

“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to,” aniya pa.

Anyway, mapapanood na sa Vivamax ang “Ikaw Lang Ang Mahal” sa May 20 kung saan makakasama rin ni Kylie sina Zanjoe Marudo at Jela Cuenca under the direction of Richard Somes.

Kylie Verzosa handang isugal ang buhay para sa magandang pelikula ngayong pandemya

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending