Mr. M nakita ang hinahanap na 'X factor' sa 17 miyembro ng bagong Kapuso tropa na Sparkada | Bandera

Mr. M nakita ang hinahanap na ‘X factor’ sa 17 miyembro ng bagong Kapuso tropa na Sparkada

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

Mr. M nakita ang hinahanap na ‘X factor’ sa 17 miyembro ng bagong Kapuso tropa na Sparkada

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 06:21 AM

IN fairness, mukhang promising at may mga ibubuga talagang talento ang pinakabagong tropa ng Sparkle GMA Artist Center, ang Sparkada.

Excited nang maghatid ng saya at inspirasyon ang 17 aspiring Kapuso young stars na pinili mismo ng acclaimed star maker na si Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M.

Nitong nagdaang Martes, April 19, humarap sa members ng entertainment press sa kauna-unahang pagkakataon ang Sparkada, ang kanilang first ever presscon.

Nakasama rin nila rito si Mr. M na siyang nagpaliwanag kung paano pinili at kung anu-ano ang nakita niyang potensyal sa 17 new artists na bumubuo sa Sparkada.

“Of course, meron ‘yang mga auditions. Little by little makikita mo, maa-appreciate mo ang special qualities nila lalo na ‘yung sinasabi kong ‘X factor,'” pahayag ni Mr. M.

Bago nagsimula ang virtual mediacon, 16 lamang ang sasagot sa mga tanong ng press dahil ang isa sa member ng grupo na si Saviour Ramos ay nasa lock-in taping pa para sa Kapuso miniseries na “Raya Sirena.”
Isa-isang sumagot ang mga miyembro ng Sparkada sa mga tanong sa kanila kabilang na ang question na, “How did you feel when you found out that you’ll be part of Sparkada at ano sa tingin ninyo ang nakita ni Mr. M and all the executives of Sparkle para mapasa kayo sa Sparkada?”

Ani Kim Perez, “Sa totoo lang po naa-amaze pa rin po ako. Hindi ko rin in-expect na makakapunta ako rito. And sobrang thank you talaga kay Mr. M, especially na-handpicked niya ako. Siguro may nakita siyang isang bagay na hindi ko nakikita sa akin. Maraming, marami pong salamat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Sey naman ni Dilek Montemayor, “Ako po sobrang saya, sobrang thankful kasi nagtiwala po sila sa akin.”

“Ako naman po I feel very honored and at the same time pressured. Pero it’s a good pressure naman po kasi may nakita si Mr. M and challenge na rin iyon sa akin na makita ko iyon sa sarili ko,” sabi ni Sean Lucas.

Ito naman ang sagot ni Lauren King, “I’m very happy and honored na kahit medyo bata pa po ako naniwala sila sa mga kaya kong gawin.”

“It feels amazing. I still feel overwhelmed. I feel really grateful kasi I know there’s a reason why I was chosen to be part of Sparkada. It is actually my motivation to work hard everyday,” pahayag ni Tanya Ramos.

Pare-pareho namang “thankful and grateful” sa pagkakapili sa kanila ni Mr. M sina Michael Sager, Larkin Castor, Jeff Moses, at Cheska Fausto.

Chika ni Roxie Smith nang malamang pasok na siya sa  Sparkada, “Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ‘yung kilig.”

“I was really shocked. I wasn’t expecting to be picked by Mr. M’s team. Words really can’t express how thankful I am,” sabi ni Raheel Bhyria.

Reaksyon naman ni Caitlyn Steve, “I’m very grateful where I am today and I’m so lucky to be part of Sparkada. Syempre everything that Mr. M and his team, Sparkle Artist Center, turns to gold so I’m so excited for the future and really thankful for everybody.”

Super “thank you” rin ang “Widows’ Web” actor na si Anjay Anson sa pagtitiwala sa kanya ni Mr. M, “Ako sobrang saya na nakilala ko itong mga ito. Sobrang thankful and sobrang blessed kasi nakakita sa akin si Mr. M ng something and ‘yun ‘yung motivation ko to work harder every single day.”

Pagbabahagi naman ni Kirsten Gonzales, “I feel very grateful po kasi we get to learn and grow together through this journey and everyone has been working hard as of this moment at finally we’re all together.”

Ang paniniwala ni Vanessa Peña,  “Sa tingin ko po ang nakita ni Mr. M kasi po magkakasama kami sa workshops, nakita nila kung paano kami magtulungan, kung paano namin i-cheer ang isa’t isa lalong-lalo na kapag kinakabahan.”

“I was very emotional at that moment. Nakaka-proud sa sarili. ‘Yung best part doon nu’ng makita ko ‘yung mom ko na sobrang proud sa akin. It’s a dream come true po,” sagot ni Vince Maristela.

https://bandera.inquirer.net/286706/piolo-binigyan-ng-tribute-si-mr-m-hindi-lang-siya-basta-manager-naging-tatay-din-namin-siya

https://bandera.inquirer.net/303039/8-kapuso-celebs-napili-bilang-banner-stars-ng-sparkle-handa-nang-sumabak-sa-mga-hamon-ni-mr-m

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306885/bea-angelica-rumampa-sa-reunion-ng-barkada-kasama-ang-mga-dyowa-anne-super-enjoy-sa-maritess-time

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending