VIRAL ngayon ang video clip ng Kapamilya actress na si Kim Chiu nang mapaluhod ito sa backstage matapos niyang i-endorse ang tambalang Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanyang mga kababayan sa Cebu grand rally.
Again, a round of applause for Governor Kim Chiu! 🌸💕 #Ceboom #CebuIsPink #CebuForLeniKiko
— ricci 🌸 | #LeniKiko (@ricci_richy) April 21, 2022
Matatandaang umuwi ang aktres sa kanyang hometown kahapon, April 21, para tumindig at ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga napusuang kandidato.
Kitang kita ang nag-uumapaw at halo halong emosyon ni Kim matapos ang kanyang speech sa harap ng halos 150,000 katao na nagsama-sama para ipakita ang suporta sa tRoPang Angat.
Agad naman siyang dinaluhan ng kapwa mga artistang sina Cherry Pie Picache at Pokwang.
Nag-post rin ng pasasalamat si Kim sa lahat ng mga kababayan niya sa kanyang Instagram account.
“DAGHANG SALAMAT CEBU!!!!💗💗💗💗💗 wala’y kabutangan akong kalipay karon. Salamat kaayo. Nalingaw ko ug storya sa inyong tanan. Salamat kaayo CEBU!!!”
Agad na umani ng respeto at paghanga mula sa netizens ang ginawang pagtindig ni Kim sa kanyang pinaniniwalaan.
“Grabe mas nitaas pa kaayu akong respeto saimo eala nadaw siya pake bahalag ma bash siya basta iyang gibuhat kay paras kaugmaon sa tanan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Kim Chiu stands with pride not as an artist but as a proud Filipina who only wants nothing but the best for her country and fellow people. She’s a woman who lets her voice be heard through her encouragement. Daghang salamat sa iya!”
Bago pa man ang paglipad ni Kim pa-Cebu ay bagoahayag na ito ng suporta kina VP Leni matapos niyang magpasalamat sa naging birthday greeting nito sa kanya noong April 19.
“Makakaasa po kayo kasama nyo po ako sa laban na ito. Laban para sa isang gobyernong tapat, angat buhay ang lahat,” saad ni Kim.
Pagpapatuloy niya, “Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang tapat na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong Pilipinas with you as our president, Maria Leonor ‘Leni’ Gerona Robredo.”
Related Chika:
Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!
Kim Chiu umalma sa mga bumabatikos sa greeting ni VP Leni: Nakikinood ka na nga lang!
Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’