Wish ni PBB 10 Top 2 Anji Salvacion: Sana makasama ko ang family kong kumanta sa concert ko para mas maging special…

Anji Salvacion

MASAYANG-MASAYA at puno ng pasasalamat si Anji Salvacion sa nalalapit niyang “Feels: The Concert” sa April 30 (Sabado), ang una niyang solo concert kung saan hangad niyang maka-connect sa kanyang fans.

“Sobrang special at important nito sa akin kasi mase-share ko ‘yung moment sa mga supporters ko at inaabangan ko talaga ‘yung maranasan ‘yung bond ng performer sa audience niya,” pahayag ni Anji sa naganap na online presscon para sa kanyang bonggang concert.

“I just can’t wait to share with them and can’t wait to share a bond din between a performer and an audience. ‘Yun din ‘yung isa sa pinaka-excited ako to look forward in the concert,” aniya pa.

Kahit hindi masyadong nagbigay ng detalye tungkol sa mga kaabang-abang na performances na inihanda niya para sa digital concert, siniguro naman ng dating “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” celebrity housemate na hindi magkukulang sa concert vibe at relatable na ‘feels’ ang event.


Ibinahagi rin ni Anji ang pangarap niya na maisama ang bahagi ng hometown niya sa show, “Sa Siargao ako lumaki at doon bumuo ng family ‘yung parents ko. Gusto ko sanang madala ‘yung buong pamilya ko sa concert ko at makasama silang kumanta para mas maging special ‘yung moment.”

Dagdag pang chika ni Anji, “There is a lot of feels na mararamdaman natin din mga ka-Sunshines at for sure makaka-relate kayo. But to be specific with the feeling maybe I can’t tell it now.

“There’s a lot of vibe there. Maybe the thing that I could share is may concert na concert vibes,” dugtong ng dalaga.

Paniniguro pa niya sa mga fans, “Ready na ready na ako. Sa sobrang ready na ako pati rito sa bahay nagpa-practice na talaga ako. Feeling ko nasa stage na ako. I just keep on singing and I just make sure rin na my health is good, I’m healthy kasi it would be a long, long, long day for me.

“I need to reserve my energy, so what I do is proper rest, practice and ayun prayers din,” dagdag niya.

Salvacion was part of the “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” celebrity edition. She emerged as part of the Top 2 along with volleyball star Alyssa Valdez.

She started her singing career after joining “Idol Philippines” in 2019 at recently lang ay inilabas ni Anji ang single niyang “Dalampasigan” na siya mismo ang nagsulat at sumisimbulo sa mga alaala niya sa Siargao lalo na ang kabataan niya kasama ang kanyang ama.

For ticket inquiries para sa “Feels: The Concert” na magaganap na sa April 30, bisitahin lamang ang KTX.ph.

https://bandera.inquirer.net/302173/anji-salvacion-nag-sorry-sa-madlang-pipol-matapos-tanghaling-top-2-sa-pbb-season-10

https://bandera.inquirer.net/303111/i-love-kuya-albie-talaga-hes-the-best-kuya-i-never-had
https://bandera.inquirer.net/303406/alexa-ilacad-sinagot-ang-tanong-tungkol-kay-anji-salvacion-bakit-naman-kami-hindi-magiging-okay

Read more...