Dominic Roco inakalang mahirap kasama si Xian Lim: Napakabait palang tao, at hindi siya plastik

Xian Lim, Dominic Roco at Rochelle Pangilinan

WALANG masasabing masama o kanegahan ang Kapuso actor na si Dominic Roco kay Xian Lim, ang lead star sa bagong romcom series ng GMA 7 na “False Positive”.

In fairness, puro papuri ang ibinigay ni Dominic kay Xian nang tanungin siya kung kumusta katrabaho ang dating Kapamilya star sa virtual mediacon ng kanilang teleserye.

Sey ng magaling na character actor, hindi niya in-expect na makakasundo niya agad ang boyfriend ni Kim Chiu hanggang sa naging roommates nga sila sa kanilang lock-in taping.

“Surprisingly, I really enjoy the company of Xian. Before kasi naisip ko na leading man siya ng Dos, mahirap kausap. Yung akala ko mahirap siyang kasama,” simulang pahayag ni Dominic.

“Tapos nu’ng nakasama ko siya unang beses, ‘Ah, parang malaking bata lang ‘to ah,'” chika pa ng aktor tungkol sa first impression niya kay Xian.

Hirit pa niya, “Alam niyang corny jokes niya pero itutuloy niya pa rin just to make everyone happy. Yung to please everyone.

“And hindi siya pilit, yung natural lang sa kanya. Very, very kind person,” dagdag pa ng loyal Kapuso actor.

Ang “False Positive” ang unang teleserye ni Xian na mapapanood ng Kapuso viewers matapos matigil pansamantala ang taping ng “Love.Die.Repeat” na pagtatambalan sana nila ni Jennylyn Mercado.


Sa presscon ng serye, natanong din si Dominic kung may payo ba siya kay Xian bilang Kapuso star, “I don’t really think that I gave him mga advice, pero we had a lot of conversations regarding our careers, what’s happening in the industry.

“And iyon yung nagustuhan ko kay Xian kasi I got to talk to him na personalan talaga, yung alam mo na hindi siya plastic.

“Kaya mas gusto ko yung ganitong lock-in settings kasi you get to know the people you work around better,” sabi pa ng anak ng award-winning veteran actor na si Bembol Roco.

Mahigit 10 taon na si Dominic sa GMA, “For me, ever since my parents or everyone told me na loyalty will get you somewhere. And I hope with what I’m doing is, ayun, I mean I’m loyal to something.”

Mapapanood na ang “False Positive” simula sa May 2 sa direksyon ni Irene Villamor.

https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye

https://bandera.inquirer.net/291998/xian-alam-ang-mga-hinanakit-at-sama-ng-loob-ni-kim-umaming-kinakabahan-kay-jennylyn

https://bandera.inquirer.net/311183/xian-sa-solid-na-relasyon-nila-ni-kim-i-assure-your-her-na-im-here-to-stay-im-here-to-love-you-no-matter-what

Read more...