Daniel gamay na gamay na ang tambalan nila ni Kathryn: Meron kasing magic sa totoong pagmamahal

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NANINIWALA ang Kapamilya singer-actor na si Daniel Padilla na may “magic” talaga ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo.

In fairness naman, makalipas ang 10 taon mula nang mabuo ang tambalang KathNiel ay buhay na buhay at may bisa pa rin ang powers at kilig factor ng reel and real life couple.

Kaya naman until now ay matindi pa rin ang trust sa kanila ng ABS-CBN at ibinigay nga sa kanila ang pinag-uusapan na ngayong romantic comedy series na “2 Good 2 Be True”.

Gaganap sina Kath at DJ bilang mga kabataan na medyo cynical about love dahil sa mga nasaksihan nila sa love life ng lanilang respective parents.

Sey nina Daniel at Kathryn bagong challenge na naman ang ibinigay sa kanila ng mga executives ng ABS-CBN sa bago nilang teleserye kaya talagang kinakarir nila ang kanilang bawat eksena.


“Kaya naman tayong mga aktor hindi ba kayo umaarte kasi hindi naman lahat ng character natin ay kagaya natin. Du’n lang papasok ang pagiging aktor ko. Ganu’n lang yun,” pahayag ni Daniel sa isang panayam.

Chika pa ng binata, sa ilang taon na nilang relasyon nila ni Kathryn, hindi na ganu’n kahirap para sa kanya ang ipakita ang chemistry nila onscreen.

”Meron kasing magic sa totoong pagmamahal. Meron ding magic sa ganu’n. Pero pagdating sa entablado sa set namin ay automatic naman din, pagdating naman du’n hindi ko tinitingnan si Kathryn na girlfriend ko siya, yung ganu’n.

“Hindi naman siya ganu’n, eh. Parang pagdating du’n in character ka din naman talaga. Automatically, kapag nagkakaeksena kaming dalawa eh, hindi ko naman siya tinitingnan bilang girlfriend ko as Kathryn.

“Tinitingnan ko siya bilang character niya at ako bilang character ko doon. Kapag napansin naman ng aming director na hindi maganda eh, talagang sasawayin naman niya at sasabihin niya ulitin namin at gagawin naman namin.

“Sa tagal din naming magkakatrabaho, alam din naman namin tanggalin yung pagiging kami sa personal naming mga buhay at ipakita namin yung dapat na ipalabas sa mga character namin,” tuluy-tuloy na pagbabahagi ni DJ.

At dito raw sa “2 Good 2 Be True”, siguradong may bago na namang aabangan ang kanilang supporters at kung anu-ano ito, yan ang dapat n’yong abangan.

“Unang-una, sa dami ng ginawa namin ni Kathryn, ano nga ba ang puwede naming ibigay na bago ba di ba? I think mas marami kasi kaming nagawa na romcom films.

“Yung isang ginawa namin na rom-com is Got 2 Believe so pangalawa pa lang namin na rom-com na series ito. So ang daming puwede pang abangan na bago.

“Siyempre unang-una, iba naman yung kuwento, iba naman yung characters namin ni Kathryn dito and first time din namin ni Direk Mae (Cruz Alviar) na mag-se-serye from simula hanggang dulo.

“So ang dami pa naming puwedeng i-offer na bago dito. At the same time, kasama din yung casting ng aming show. Malaking bagay din yun. And more on mas ganu’n,” dagdag pang pahayag ni DJ.

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem

Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding

Read more...