WALA pa sa mga priorities ngayon ng showbiz couple na sina Xiam Lim at Kim Chiu ang magpakasal at bumuo ng sarili nilang pamilya.
Napag-uusapan naman daw nila ang tungkol sa kanilang future bilang partners in life pero wala pang engagement o kasalan ang magaganap in the near future.
Sa virtual mediacon ng kauna-unahang teleserye ni Xian sa GMA 7, ang “False Positive” na tungkol sa pagkakaroon ng anak, natanong namin ang binata kung na-inspire ba siya na maging asawa at tatay o nagkaroon ng fear factor.
Sagot ni Xian, hindi pa niya nakikita ang sarili na may pamilya na pero nagkaroon siya ng idea kung paano ba maging mister at maging padre de pamilya. Talagang wala pa sa plano niya ang mag-settle down.
Pero inamin ng leading man ni Glaiza de Castro sa “False Positive” na mas gusto niyang may maayos na usapan tungkol sa mga bagay-bagay bago magpakasal.
Sakaling mapagdesisyunan na nila ni Kim ang magpakasal, dapat bang pag-usapan muna nila kung magse-set sila ng mga kundisyon tungkol sa kanilang pagsasama, tulad ng prenuptial agreement?
Ani Xian, “I strongly believe na dapat plantasado lahat ‘yan before pumasok at you take that leap of faith, in having a baby or getting married.
“Dahil baka kasi kapag hindi pa plantsado lahat, I mean, this is just my opinion. Iba-iba naman ang rason ng tao, e.
“But I think na parang, you don’t want na yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, pag once nandun na kayo sa point na yun na magkakagulo kayo, and it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.
“Personally, I don’t want na umabot sa point na yun. But I think dapat plantsado.
“I think, bank accounts, and even how you will settle bills, and even, kanina pa namin sinasabi na spiritually dapat handa kayo na your heart dito, dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage, or even na parang you want what’s best for your kid, dapat na pag-usapan talaga,” paliwanag ng binata.
At tungkol naman sa prenup, “Hindi pa naman namin napapag-usapan. But I guess to share one thing na nadaanan namin, I remember, hindi namin napag-usapan, but out of nowhere, we just brought up yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts.
“I’m sure some people, may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her.
“So, I think wala lang… parang I just remember, oh, cool, parang nakita lang namin. I think, entering something na ganun kalaki needs proper planning and mapag-usapan nang maigi,” lahad pa ng Kapuso star.
At sa question kung nape-pressure ba sila ni Kim kapag nababalitaan nilang engaged na o ikakasal na o may baby na ang kaibigan at kasabayan nilang artista, “Hindi ko naman po nararamdaman. Basta ang kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters.”
https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/310357/maja-hindi-lalayasan-ang-showbiz-kahit-magpakasal-kay-rambo-siguro-hihinto-lang-ako-kapag-na-preggy-tayo
https://bandera.inquirer.net/286609/aiko-ayaw-insultuhin-si-jomari-bilang-single-mom-iginapang-ko-ang-anak-ko-para-makatapos