Hugot ni Jake sa gitna ng chikang hiwalay na sila ni Kylie: I will try to fix you…

Jake Cuenca at Kylie Verzosa

MUKHANG may pag-asa pang mai-save ang relasyon nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca kung ang pagbabasihan ay ang cryptic post ng aktor sa kanyang social media account.

Pagkatapos kasing umiyak ang aktres at dating beauty queen sa nakaraang live episode ng “It’s Showtime” ay tila may sagot agad dito si Jake.

Wala pang diretsahang pag-amin ang magkarelasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama pero marami nga ang naniniwala na totoong hiwalay na nga ang magdyowa.

Nito lamang nagdaang Linggo, April 17, nag-tweet si Kylie ng salitang “broken” at kamakalawa nga ay napaiyak na lamang ito nang mapag-usapan ang tungkol sa isyu ng breakup sa segment ng “It’s Showtime” na “Showtime Sexy Babe”.

Ayon sa reaksyon ng mga manonood at ng netizens, talagang may pinagdaraanan ngayon ang showbiz couple at posible ngang nagkanya-kanya na sila ng landas.

Kasunod nito, sunud-sunod nga ang mga posts ni Jake sa kanyang Instagram Stories. Unang mensahe niya, “I wish I could wipe away your tears.”


Sa sumunod niyang IG post tila nagpaparamdam siya sa isang taong mahal na mahal niya,  “Whatever someone you become, wherever you are in the world…I’m sending you love.”

At sa huli niyang IG Story, makikita ang litrato ng isang band aid at may pangakong, “I will try to fix you.”

Mahigit two years nang magkarelasyon sina Jake at Kylie. Umamin sila sa madlang pipol noong September, 2019.

Noong kasagsagan ng lockdown (June, 2020) dulot ng COVID-19 pandemic ay diretsahang inamin ni Jake na magkasama sila sa iisang condo ni Kylie.

https://bandera.inquirer.net/298480/jake-cuenca-pumayag-nang-gumanap-na-tatay-sa-serye-kinarir-ang-pagiging-politiko

https://bandera.inquirer.net/284914/kung-akala-ng-iba-joke-lang-ang-pagiging-transman-ko-its-not

https://bandera.inquirer.net/295869/kylie-may-patutsada-matapos-ang-breaking-silence-post-ni-aljur

Read more...