Bela pwede nang lumebel kay Coco bilang actress-director; hugot movie na ‘366’ kering-kering humakot ng awards

Bela Padilla at Zanjoe Marudo

PARA sa isang first timer na direktor, pasadung-pasado at pak na pak sa amin ang kauna-unahang pelikulang idinirek, isinulat at pinagbidahan ni Bela Padilla, ang hugot film na “366.”

Agree kami sa sinabi ng dalawang leading man niya sa pelikula na sina JC Santos at Zanjoe Marudo na maituturing nang next promising director ang dalaga at hindi imposibleng humakot din ng awards.

Napanood na namin ang “366” sa ginanap na special screening nito kagabi na dinaluhan talaga ng tatlong bida ng pelikula at dito nga talagang nakatanggap ng papuri at pagbati si Direk Bela.

In fairness, nahigitan pa ng aktres, direktor at scriptwriter ang aming expectation nang matapos namin ang “366” na talagang pinalakpakan ng lahat ng nakapanood ng obra ni Bela.

Kung ikukumpara namin ang first directorial job ng actress-director sa ibang baguhang filmmaker, matapang naming sasabihin na pinakain sila ng alikabok ng dalaga sa ganda at kalidad ng “366.”

Bukod sa ganda ng kuwento at sa pagkaka-edit nito, malinis din ang script at ang bongga ng production design lalo na ang mga eksena na kinunan sa Istanbul, Turkey.


At tungkol naman sa acting, masasabi naming malakas ang magiging laban ni Bela at ni Zanjoe sa pagka-best actress at best actor sa “366” dahil ibang-iba talaga ang ipinakita nila rito, lalo na ang breakdown scene ng aktres sa bandang gitna ng movie.

In fairness, pwede na talaga siyang i-level sa kalibre ni Coco Martin na magaling nang umarte, bongga pang magdirek. Sabi nga ni JC, mas tumaas pa ang paghanga at pagrespeto niya kay Bela pagkatapos mapanood ang kanilang pelikula.

Sigurado naman kaming magmamarka sa manonood ang ipinakitang akting dito ni Zanjoe at hindi lang siya basta nagdrama rito, ha — nagpakilig din siya sa ilang eksena ni Bela.

Kung nahihirapan kayong mag-move on sa isang breakup, this movie is perfect for you. Pwede n’yong gayahin ang ginawa nina Bela at Zanjoe sa movie baka maging effective sa inyo.

Sa naunang panayan ng press kay Bela, sinabi niyang based on a true story ang “366” na na-witness niya while on a holiday break.

“It’s a very tragic love story. But also, going through the pandemic, I tweaked it a little bit, and 366 now has more of a significance for me.

“It’s set in a leap year kaya 366. Parang it’s now more realizing that we have to take every day and treat it as best as we could and really maximize these days.

“So if you’re given a choice, if you want to spend one day just being sad or crying or feeling bad or negative, or you could make an effort and be happy and have an extra day to fall in love and have an extra day to love yourself, where would you go and what would you choose?

“So that’s the journey of the character I play and the characters that I will be with in 366,” chika pa ng aktres, director at scriprwriter.

Pwede nang panoorin ang “366” sa Vivamax at kayo na ang bahalang humusga kung karapat-dapat ngang bigyan pa ng maraming projects si Bela bilang aktres at direktor.

https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter

https://bandera.inquirer.net/309682/bela-padilla-walang-awkwardness-na-naramdaman-kay-zanjoe-sa-366-i-already-got-passed-that-stage

https://bandera.inquirer.net/280791/rosanna-roces-ayaw-gawing-pelikula-ang-buhay-walang-kabutihang-mapupulot

Read more...