Glaiza natatakot mabuntis: Sabi nila para kang nagre-ready sa marathon kaya paghahandaan ko yan!

Glaiza de Castro at Xian Lim

“PAGHAHANDAAN ko yun nang matindi!” ang pahayag ni Glaiza de Castro nang matanong kung handa na ba siyang magbuntis at maging mommy.

Aminado ang Kapuso actress at singer na wala pa sa plano nila ng kanyang asawang si David Rainey ang pagkakaroon ng baby.

Sa naganap na virtual mediacon para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “False Positive” opposite Xian Lim, diretsong sinabi ng award-winning actress na “negative” muna siya sa usapin ng pregnancy.


Aniya, talagang hindi pa siya handa na maging nanay sa panahong ito. Mas gusto raw muna nila ni David na ie-enjoy ang kanilang pagiging mag-asawa kabilang na nga riyan ang plano nilang mag-travel sa iba’t ibang lugar.

Kaya feeling ni Glaiza, baka matagalan pa bago siya ma-preggy at paghahandaan at pagpaplanuhan daw talaga nila ng David ang tungkol dito.

“Sa tingin ko po kasi, napakalaking responsibility yun, e. So, sa tingin ko, parang natatakot pa ako and, in a way, dahil du’n hindi pa talaga ako ready.

“And sa tingin ko, darating din naman yung time na magiging ready ako at paghahandaan ko yun nang matindi.

“Kailangan mentally, spiritually, physically prepared ako. Kasi may mga nagsasabi rin sa akin talaga na ang pagbubuntis, para siyang nagre-ready sa marathon,” ani Glaiza.

Mas natakot pa siya nang marinig ang mga kuwento ng kanyang mga kakilala kung gaano kahirap ang mabuntis at manganak.

“The other day lang, nasabi sa akin ng nanay ko na yung kapatid ko nag-labor ng two days.

“Two days?! Parang, kapag may period ako, naaano na ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, mabuntis pa kaya?

“So, parang ang feeling ko, medyo hindi pa ako nagmamadali. Hindi pa ako nagmamadali na ma-positive,” paliwanag pa ng leading lady ni Xian sa “False Positive” na mapapanood na sa GMA Telebabad simula sa May 2.

Natatawa pang chika ni Glaiza, pauunahin daw muna niyang maging mommy ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban na siyang atat na atat nang magka-baby.

“Paunahin ko muna siya para magkaroon ako ng mga nanay tips. Kasi, ngayon pa lang, ang dami ko nang tips na nakukuha sa kanya.

“So, parang ang sarap lang sa pakiramdam na yung journey namin together bilang magkaibigan, nakakarating na sa ganito. Parang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na baby na ang pinag-uusapan namin.

“So, ano, masaya ako para sa kanya, of course. Kasi hinihingi niya ‘to matagal na. Excited kami para sa kanya,” chika pa niya.

Anyway, excited na sina Glaiza at Xian sa nalalapit na pagsisimula ng “False Positive” na siyang papalit sa timeslot ng malapit nang magtapos na “Widows’ Web.”

https://bandera.inquirer.net/289383/glaiza-umamin-mahal-talaga-yung-relationship-namin-ni-david-dahil

https://bandera.inquirer.net/284605/glaiza-iiwan-ang-pag-aartista-para-sa-pamilya-pangarap-ko-talagang-maging-ina

https://bandera.inquirer.net/290241/glaiza-may-gustong-iwan-nagpagupit-ng-buhok-para-mas-mabilis-maka-move-on

Read more...