MUKHANG kakambal na talaga ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes ang intriga at kontrobersiya.
Hindi pa man tuluyang humuhupa ang issue sa kanya at sa mga kasamahan niya sa The Gold Squad na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, heto’t nasuong na naman siya sa mainit na chika.
Viral na ang isang video sa TikTok na in-upload ng isang clothing line kung saan mapapanood ang pagtanggap ni Andrea sa mga damit na ipina-deliver nila.
Agad na napansin ng mga netizens na parang galit ang dalaga sa video kaya kung anu-ano na namang hate comments ang ibinato sa young actress na girlfriend na ngayon ng basketbolistang si Ricci Rivero.
Nang malaman ni Andrea na viral na naman siya sa social media nang dahil sa nasabing TikTok video napilitan siyang magpaliwanag para ipagtanggol ang sarili niya.
Ni-repost ng dalaga ang komento ng isang netizen na nagsabing, “AHAHAHAHAHA parang masama loob.”
Unang paliwanag ni Andrea, totoong nakasimangot siya sa video dahil nakulitan na siya sa delivery rider na nagpupumilit na makipag-selfie sa kanya nang walang suot na face mask.
“Hi guys, minsan na lang talaga ako magsalita sa TikTok, pero here I am once again.
“To be honest, yes. Actually, medyo bad trip ako niyan. Una, ang kulit kasi ni Kuya na, ‘Puwede po ba na walang mask, walang mask?’ Sabi ko, ‘Bawal po, bawal po talaga.’
“Nag-picture siya tapos umulit uli siya. ‘Tapos sabi ko, ‘Kuya, bawal po talaga kasi, duh, ‘asa pandemic pa tayo at ang dami ko pa hong work na nakasalalay na hindi ako puwedeng mag-positive.’
“So, sabi ko kay Kuya na, ‘Kuya, bawal po talaga or else papasok na rin talaga ako,’ since late naman na ako sa training ko, e,” dire-diretso niyang paliwanag.
Ngunit sa kabila ng pagtanggi niya, ayaw pa rinng tumigil ang delivery guy sa pagpilit sa kanya na mag-selfie sila nang walang face mask. Nakadagdag pa sa inis niya nang banggitin ng rider ang mga salitang “two joints”.
Bukod sa ikinokonek ang “two joints” sa paggamit ng droga ay associated din ito sa hand gesture ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno. At alam naman ng marami na ang kalaban ni Yorme na si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan ni Andrea.
Sumbong pa ng aktres, “Tapos paulit-ulit akong tinatanong tungkol sa damit, tapos kinukulit ulit ako sa damit. Sabi ko, ‘Hindi ko po puwede i-post ‘yan kasi ho, H&M ako.’
“Tapos, ito na talaga, kaya mukha akong bad trip diyan kasi bad trip nga talaga ako. Si Kuya na kanina pa nangungulit sa mask biglang sabi na, ‘Dali, picture tayo two joints, two joints.’
“Sabi ko, ‘Hindi, Leni ako.’ Walk out ako, masama ba? Ha?” katwiran pa ni Andrea.
Nag-post din ang clothing line na nagpadala ng mga damit kay Andrea na siya ring nag-post ng video sa TikTok na hindi naman daw galit si Andrea.
“Hindi po sya galit, may mga tao po na nag ask if pede nya tanggalin mask and since we’re still on pandemic she said no and yes po she said thank u,” sabi pa sa post.
https://bandera.inquirer.net/308266/herlene-budol-bidang-bida-na-sa-ang-babae-sa-likod-ng-face-mask-kit-thompson-naluha-sa-presscon
https://bandera.inquirer.net/288122/pauleen-nagpaliwanag-kung-bakit-walang-face-mask-si-tali-sa-kanilang-field-day-photo
https://bandera.inquirer.net/291752/pen-medina-binanatan-matapos-sabihing-hindi-epektib-ang-face-mask-kontra-covid-19