SUPER excited na ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mapanood ng madlang pipol all over the universe ang bago nilang teleserye sa ABS-CBN.
Ito ay ang romantic comedy series na “2 Good 2 Be True” na ipalalabas na nga next month sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, The Filipino Channel at sa global streaming platform na Netflix.
Ayon kay Kathryn, “Actually just last month when tita Cory (Vidanes) talked to us and then sinabi na niya sa amin na mapapanuod nga ng tao not just on free TV but also on Netflix, yun pa lang wow that’s a first for us.
“It’s very special and we are very grateful na nabigyan kami ng ganitong platform para mas marami pang makapanood within everything that’s happened especially last year.
“We’re very grateful of course for giving us this new platform and the opportunity to share this beautiful project with everyone. Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in na… ang galing lang na slowly nakikipag-partner ang ABS-CBN sa mga international platforms as well just to reach more audiences and nakaka-proud yun.
“And sana magtuluy-tuloy na at maging simula ito to open more doors sa company,” pahayag pa ng award-winning actress sa panayam ng ABS-CBN.
Sa nasabing serye, gagampanan ng celebrity couple ang mga karakter nina Eloy at Ali na parehong “durog” ang puso dahil sa kumplikado nilang mga buhay dulot ng kanilang mga magulang.
Samantala, sa nasabi ring panayam ay natanong ang KathNiel kung may mga pangyayari na ba sa kanilang buhay na nasambit nila ang titulo ng kanilang serye na “2 Good 2 Be True”.
Sagot ni Daniel, siguro raw ito ay ang matagumpay na love team at partnership nila ni Kathryn sa pelikula, telebisyon at maging sa tunay na buhay.
“Imagine after 10 years, yung partnership namin nandito pa rin kami at patuloy na gumagawa ng teleserye. This is too good to be true,” pahayag ng binata.
Para naman kay Kath, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa patuloy na pagmamahal at suporta na ibinibigay sa kanila ng KathNiel fans.
“Siguro every time may nakakausap ako na fan. May nakasama akong isang nagtatrabaho sa production and then she told me nung 16 pa lang siya fan na siya and now she’s working.
“Sabi niya, ‘Sorry po hindi na active yung iba kasi nga yung ibang fans they’re working na, yung iba may baby na, naka-graduate na.’ So parang sabi ko too good to be true na sabi niya, ‘Mahal pa rin namin kayo. Sinu-support pa rin namin kayo.’
“Parang too good to be true na meron kaming na-build na ganitong mga fans and supporters namin na they’re more than just fans.
“Ngayon working na sila, yung iba may anak na, na too good to be true to have these kinds of people na hanggang ngayon sinusuportahan kami at kahit may sarili na silang buhay nandiyan pa rin sila to support us.
“Naghihintay lang sila silently cheering for us. Sa fandom naman yung sinasabi ko. Too good to be true to have this kind of fandom, they’re the best,” chika pa ni Kathryn.
https://bandera.inquirer.net/294015/pasabog-na-sorpresa-nina-daniel-at-kathryn-tuloy-na-oh-my-god-heto-na-talaga
https://bandera.inquirer.net/290776/daniel-aminadong-nagkamali-noon-kay-kathryn
https://bandera.inquirer.net/286942/true-ba-anjo-yllana-tsinugi-na-rin-daw-sa-happy-time