Ai Ai sa patutsada ni Audie Gemora: Sana dumami rin ang blessings niya para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin

Pokwang, Audie Gemora at Ai Ai delas Alas

PINAG-ISIPANG mabuti ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas kung paano sasagutin ang patutsada sa kanya ng singer at direktor na si Audie Gemora.

Ikinumpara kasi ni Audie ang Kapuso comedienne kay Pokwang sa pamamagitan ng isang matapang na post sa Twitter noong April 8 na may koneksyon sa politika.

Ni-repost ng direktor ang quote ni Pokwang tungkol sa mga netizens na nagbantang ia-unfollow siya sa social media dahil sa pagsuporta niya sa presidential candidate na si Leni Robredo.

Ipinagdiinan dito ni Pokey na hindi siya natatakot mawalan ng socmed followers at naninindigan siya sa mga kandidatong iboboto niya sa May 9 elections.

Kung si Vice President Leni ang sinusuportahan ni Pokwang, lantaran naman ang pagsusulong ni Ai Ai sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng UniTeam.


Ang caption ni Audie sa kanyang tweet pic, “I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2.”

Nang mabuksan nga ang isyung ito sa isang mediacon mahinahon at marespeto naman ang naging sagot ni Ai Ai, “In case lang na itanong sa akin ‘yan, pinag-isipan ko talaga, e. Paano ko ba ito masasagot na hindi ako plastik at saka hindi talaga ako yung nagdudunung-dunungan o nagbabait-baitan.

“Kaya sabi ko talaga, ‘Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga?’ Kasi blessed na blessed na ako, e. Una, may trabaho ako. May Raising Mamay ako.

“Wala akong sakit. Hindi ako nagkaroon ng COVID. Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal. Kumbaga, napakarami kong blessings, and I hope, siya rin,” pahayag pa ng komedyana.
Ito naman ang mensahe niya para kay Audie, “I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin.

“Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba tayo. So, I think, let’s all speak and claim blessings instead,” katwiran pa ng lead star ng bagong Kapuso family series na “Raising Mamay.”

Pahabol pa niya, “Isang araw lang naman ito. Pagkatapos nito, magkakaibigan uli kayo, magkakamag-anak kayo. So, I think na mas maganda rin na be careful kayo sa mga sasabihin ninyo o bibitawang salita.”

https://bandera.inquirer.net/310626/pokwang-mas-funny-at-intelligent-kay-ai-ai-delas-alas-sey-ni-audie-gemora

https://bandera.inquirer.net/290582/lolit-ipinagtanggol-si-yorme-laban-sa-mga-patutsada-ni-duterte
https://bandera.inquirer.net/308976/pagkawasak-ng-friendship-nina-kris-at-ai-ai-dahil-nga-ba-kay-james-yap

Read more...