MARAMING naantig at na-inspire sa kuwento ng mag-asawang Maricel Laxa-Pangilinan at Anthony Pangilinan tungkol sa kanilang anak na si Benj.
Isa itong patotoo na hindi natutulog ang Diyos at nandiyan lamang siya na nakikinig at nanonood sa lahat ng nangyayari sa buhay ng bawat tao sa mundo.
Naibahagi ng celebrity couple ang tungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan nila hinggil sa pagkakasakit noon ni Benj sa panayam ni Karen Davila na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Ito yung panahong nalaman nila na may heart problem ang kanilang anak na noo’y 4 years old pa lamang.
Ayon kay Anthony, inakala raw nila nu’ng una na may indigestion lamang or stomach problem si Benj ngunit nang ipasuri na nga nila ang bata sa doktor ay sinabi sa kanilang may problema ito sa kanyang puso.
Sabi ni Anthony, mismong ang anak ang nagbalita sa kanya tungkol dito sa pamamagitan ng telepono. Sabi raw ng bata sa kanya, “Dad, I have a hole in my heart. Can you fix my heart?”
Tugon naman ni Anthony, “No, Benj, I can’t fix your heart, but God who made you can.”
Samantala, hindi naman makapaniwala si Maricel na sa murang edad ay nagkaroon na ng heart problem si Benj. Talaga raw in denial pa siya hanggang sa araw na ooperahan na ang anak.
“Tiningnan ko si Benj e, lively energetic and everything. There’s nothing wrong with him. He’s completely fine.
“E nandoon na kami, ooperahan na siya, hinahanda na lang siya. Tiningnan ko, ‘no uwi na tayo.’ Hindi natin gagawin ‘to. Kasi baka mamaya may mangyari, hindi ko mapo-forgive ang sarili ko,” katwiran ng veteran actress.
Pero after a while, parang kinausap daw siya ni Lord, “I really felt the presence of the Lord, pushed me down my chest and the voice in my ear, ‘He is mine, who are you?'”
Sabi pa raw niya, “Lord, forgive me, kasi sino nga ba ako? Ikaw ang lumikha sa kaniya, taga-alaga lang ako. Sa ‘yo siya, pero puwede ba Lord, ibalik mo after the surgery? Ikaw na bahala.”
Fast forward: naging successful naman ang heart operation ni Benj pero hindi siya pinayagan nina Maricel at Anthony na mag-train bilang triathlete tulad ng kanyang mga kapatid na sina Donny, Ella, Hannah at Solana.
“Many years passed naging triathlete mga anak namin. Lahat ng mga anak namin pina-train namin except si Benj. Kasi takot ako, baka mamatay ‘di ba?” pahayag ni Maricel.
Ngunit napatunayan nila that God is good nang ipatingin ulit nila sa doktor si Benj nang tumuntong na ito ng 6 o 7 years old. Base raw sa resulta ng medical tests ng bata ay kering-keri na rin itong isabak sa triathlon.
“Wala na, walang ka-trace trace ‘yan. Ipa-triathlon mo na ‘yan. Completely healed, as if walang nangyaring surgery,” kuwento ng Kapuso actress.
“Because of that revelation he became the champion of the triathlon, aquathlon, everything,” ang masaya pang pagbabahagi ni Maricel sa isang patotoo na may himala.
https://bandera.inquirer.net/311119/lovely-kay-benj-binago-ni-lord-ang-asawa-ko-hindi-na-mainitin-ang-ulo-wala-siyang-reklamo-sa-kabila-ng-katamaran-ko
https://bandera.inquirer.net/280966/beauty-gonzalez-nakipag-ayos-na-sa-ina-pinayuhan-ni-maricel-laxa
https://bandera.inquirer.net/304142/benj-sa-1st-anniversary-nila-ni-lovely-nakakakilig-pa-rin-mahalforever-na-tayo-ha