Xian sa solid na relasyon nila ni Kim: I assure her na ‘I’m here to stay, I’m here to love you no matter what’

Kim Chiu, Xian Lim at Glaiza de Castro

“ASSURANCE” ang isa sa mga sikreto ng matibay at solidong relasyon ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ayon sa Kapuso actor, marami ring challenge o pagsubok ang relationship nila ni Kim pero lahat yun ay nalalampasan nila dahil sa pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang binata sa virtual mediacon ng unang teleserye niya sa GMA, ang “False Positive” kung saan makakatambal niya ang La Primeta Contravida ng Kapuso Network na si Glaiza de Castro.

At dahil tungkol nga sa iba’t ibang problema at issue ng pakikipagrelasyon ang tema ng “False Positive”, natanong si Xian tungkol sa kanyang girlfriend na nananatili pa ring Kapamilya hanggang ngayon.

May mga adjustment ba silang ginawa ngayong magkaiba na sila ng pinagtatrabahuang TV network at kumusta naman ang samahan nila bilang partners in life.

“Yung sa amin kasi ni Kim, since we’re both in the entertainment industry, we already accepted the fact na marami kaming makakatrabaho.

“Marami kaming projects na gagawin individually and also together, parang hindi naman namin kino-close yung doors.

“But basically, yung usapan talaga namin, we want to grow individually and we want to grow together as a couple.

“Kumbaga, puwede namang pagsabayin, and I think we’ve been around long enough to witness a relationship come and go and pinag-uusapan namin,” pahayag ni Xian.

Aniya pa, “Malaking bagay rin na nakakaligtaan ng mga couple is assurance. You assure your partner na ‘I’m here to stay and I’m here to love you no matter what.’


“Sa dami-dami ng mga nangyayari ngayon, it’s a noisy world, mahirap magpaapekto, we do that. We assure each other and we work on our relationship just like everyone,” mahabang paliwanag pa ng aktor at direktor.

Samantala, inamin din ni Xian na inaatake na rin siya ng matinding nerbiyos sa nalalapit na pagpapalabas ng “False Positive” na magsisimula na sa May 2, sa direksyon ni Irene Villamor.

Ito nga ang first project ng binata mula nang lumipat siya sa GMA 7,  ang ipinalit sa “Love. Die. Repeat” na siyang unang seryeng dapat na gagawin niya bilang Kapuso.

Nahinto ang taping nila para rito dahil sa pagbubuntis ng kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado.

“I’m so grateful sa network, sa GMA, sa buong Kapuso family. I don’t want to let them down and I remember, gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong.

“I don’t want to cause any delays na okay, baka mali yung gawin ko. Baka hindi magustuhan ni Direk Irene.

“There is that pressure definitely, pero tinanggap kong mahirap at gagawin ko ang best ko hanggang sa ma-good take ni Direk,” lahad ni Xian sa presscon ng “False Positive” kung saan gaganap siya bilang isang lalaking nabuntis.

Naniniwala rin ang aktor na magiging “gamot” ng Kapuso viewers ang kanilang serye kahit paano dahil sa napakaganda at nakakaaliw na kuwento nito.

“Ang bigat-bigat na. Ang dami-dami nang nangyayari sa mundo. I think the best way to communicate a message is through something light, through something na parang mapapatawa namin sila.

“But at the end of the day, meron silang take away. They can learn something from this whole project,” chika pa ni Xian.

Makakasama rin sa “False Positive” sina Luis Hontiveros, Tonton Gutierrez, Buboy Villar, Herlene Budol, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco at Nova Villa.

https://bandera.inquirer.net/283426/true-ba-kris-bernal-retokada-gastadora-mahilig-mag-edit-ng-litrato-sa-socmed

https://bandera.inquirer.net/285353/isa-pang-member-ng-eraserheads-sumang-ayon-kay-ely-im-sorry-if-im-breaking-hearts

https://bandera.inquirer.net/301317/love-life-sumpa-ng-2021-wa-epek-sa-9-na-magdyowa-sa-showbiz-waging-wagi-sa-pag-ibig

Read more...