Ex-PBB housemate Jai Agpangan nakatanggap ng indecent proposal, inalok ng P1-M, luxury car: Sabi ko, sure ka?

Jai Agpangan, Kyo Quijano at Maris Racal

NAKATANGGAP na rin ng indecent proposal ang Kapamilya character actress at dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Jai Agpangan.

Inamin ng dalaga na may isang tao raw na nagpadala sa kanya ng mensahe na gusto siyang makilala at maging dyowa kapalit na P1 million at mamahaling sasakyan.

Nabanggit din daw ng taong nag-alok sa kanya ng “indecent proposal” ang mga pangalan ng artistang pumayag na makasama siya kapalit ng malaking halaga ng pera.

Sa YouTube vlog ng social media influencer na si Kyo Quijano, naikuwento ni Jai ang natanggap na offer nang sumabak sa “Sagot o Lagot” challenge kasama si Maris Racal. Dito, tutungga ng alak ang hindi sasagot sa tanong.

At isa nga sa question na ibinato sa grupo ay kung nakatanggap na ba sila indecent proposal. Unang umamin si Jai at sinabing baka raw nagustuhan siya ng nag-propose dahil sa kanyang Instagram photos.

Aniya, “Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin  fake news yung IG, akala nila matangkad, sexy, ganyan. Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million and Tesla car. Pero di ko in-accept.”

Base sa isang website, ang Tesla car ay nagkakahalaga ng P1.9 million hanggang P6 million.
Inulit pa ni Kyo ang tanong kay Jai dahil parang hindi ito makapaniwala, “Pero totoo yun? One million and Tesla car?”

“Promise! Pero hindi ko in-accept. Kasi parang nakakatakot, kasi parang ano siya…” ang pabiting chika pa ng aktres sabay buong kay Kyo.


Dugtong ni Jai, “Parang gagawin ata akong ‘xvislib’ (exclusive). So, parang nag-i-sketchy. At sa liit kong ‘to, ha (may nagkagusto at nag-offer)

“Feeling ko kasi parang ano lang, influencer chururut. May ano pala, escort chururut!” sabi pa ni Jai.

Gusto pa nga raw sabihin ni Jai sa misteryosong nag-offer sa kanya, “Sure ka? Sure ka sa akin, joke!”

Pahabol pa niya, “Actually, message request yung sinend sa akin. Naka-proposal lahat. Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya. Grabe, ganu’n kalala.”

Hirit naman ni Maris, “Ako, wala pa. Di pa naman umaabot sa ganoon. Hanggang mga date lang, movie.”

Kuwento ni Kyo, “Ang parang tanong, parang, ‘Puwede ka bang i-book?’ Tapos nakita ko sa Instagram, parang message request, ganu’n.”

Magkakasama sina Jai, Maris at Kyo sa Kapamilya digital series na “How To Move On in 30 Days” kung saan kasama rin sina Albie Casino at Carlo Aquino.

Eric Fructuoso matindi ang natatanggap na indecent proposal mula sa mga beki: Binabastos ako agad!

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Read more...