K Brosas inatake ng matinding anxiety habang nagte-taping: Sasabihin nila, ‘totoo pala yun, hindi echos’

Ethel Booba at K Brosas

HINDING-HINDI malilimutan ng TV host-comedienne na si K Brosas ang isang karanasan habang nasa shoot ng bagong programa sa TV5, ang travel-talk show na “Lakwatsika.”

Kasama ni K sa nasabing show bilang host ang kaibigan at kapwa komedyanteng si Ethel Booba na nagsimula na kahapon, April 18, at mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m..

Kuwento ni K sa naganap na presscon ng “Lakwatsika” noong April 5 sa TV5 Studio 4, nagkaroon siya ng anxiety attack habang kinukunan ang isang eksena nila ni Ethel.

Matagal nang bukas ang komedyana at singer tungkol sa kanyang mental health, pero ito ang unang pagkakataon na ipalalabas ang nangyari sa kanya sa television.

“Kasi may nangyari sa akin dito, first time on national TV, yung tungkol sa aking mental health. Makikita niyo at sasabihin niyo talaga, totoo ang sinasabi niya,” pagbabahagi ni K.

Aniya, hindi niya inakalang aatakihin siya habang rumorolyo ang camera, “In the first two weeks, full-blown anxiety attack. Marami ang makaka-relate, totoo pala yun, hindi echos.

“In a way, di rin ako thankful, kasi noong oras na yun, gusto mong mamatay na, gusto mo lang ma-ospital. May camera, di maiiwasan, reality show ito.


“Yung mga medics, mga tao, nataranta. Di ko ine-expect, first time itong nangyari sa TV, usually nangyayari sa backstage,” paliwanag pa niya.

Samantala, inilarawan naman ni K Brosas bilang “reali-talk show,” ang “Lakwatsika” kung saan personal silang magpupunta ni Ethel sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para ibandera ang mga ito sa madlang pipol.

Aniya, para itong pinagsamang “Extra Challenge” at “Biyahe ni Drew” pero mas marami raw silang ipakikitang mga kainan at mga pagkaing kakaiba.

“Hindi siya fine dining, di mga famous na kainan, tapos mga exotic food. Tapos meron ding mga unscripted moments. May nangyari na bigla na lang kaming bumababa ng van, walang script. Si Bakla (Ethel), magsasabi, ‘Ay, gusto ko ng softdrink.’

“Naglalakad kami sa gitna ng kalye nun, ha! Naghanap kami ng sari-sari store. Nakakatuwa. Tapos sabihin nila, ‘Taga-Sing Galing ito.’ Nagkantahan sila, ‘Sing Galing, Sing Galing,’ at may choreo pa. Nakakataba ng puso.

“Tapos si Ethel may dala siyang megaphone! Nakakaistorbo, di ba, pero deadma,” aniya pa.

Kumusta namang katrabaho si  Ethel bilang co-host, “Naku, napakagaan, lingid sa kaalaman ng iba, di pa kami artista, magkakilala na kami ni Ethel.

“Hindi naman kami close, aaminin ko naman, hindi kami close kagaya ng kasama ko sa banda before, kasama niya sa banda before.

“Pero bago pa kami nag-artista kilala ko na siya, hindi pa siya ganyan. Magkasama kaming kumankanta sa mga lounge. Pareho kaming banda na comedy,” chika pa ni K Brosas.

https://bandera.inquirer.net/301174/k-brosas-umapela-sa-madlang-pipol-na-nagpa-book-sa-siargao-wag-muna-tayo-magpa-refund

https://bandera.inquirer.net/292890/k-brosas-napaiyak-sa-napurnadang-dream-house-masakit-kasi-ang-tagal-kong-nagmakaawa

https://bandera.inquirer.net/292783/anak-ni-k-brosas-may-banta-sa-mga-nanloko-sa-nanay-niya-sa-korte-galingan-nyo-ang-punchlines-nyo

Read more...