Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022

Leni Robredo, Isko Moreno at Joaquin Domagoso

MATAPANG na sinabihan ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso si Vice President Leni Robredo na umatras na sa pagtakbong pangulo ng Pilipinas.

Ito’y matapos ngang resbakan ng kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno na kumakandidato ring presidente ng bansa si VP Leni sa ilang isyung kinasasangkutan nito.

Sa kanyang Instagram account kahapon, April 17, nag-post si Joaquin ng litrato niyang nakatalikod na kuha sa isang campaign rally ng ama.

Nakasulat sa kanyang jacket ang pangalan ni Mayor Isko at ng running mate nitong si Doc Willie Ong. Ang isinulat naman ng binatang aktor sa caption, “#WithdrawLeni #UniteforIsko #SwitchToIsko.”

Ang nasabing IG post ni Joaquin ay kasabay ng ipinatawag na presscon ni Mayor Isko at ng iba pang presidential candidates na sina Sen. Ping Lacson at dating Defense Secretary Norberto Gonzales na ginanap sa The Peninsula Manila sa Makati City.

Dumalo rin doon sina vice-presidential candidates Sen. Tito Sotto at Willie Ong.

Kasama rin sana sa presscon ang isa pang kumakandidatong presidente na si Sen. Manny Pacquiao pero hindi ito nakarating. Ipinaalam nina Isko at Lacson na kasama rin si Pacquiao sa mga pumirma sa statement na kanyang binasa.


“Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon ng isang diwa ng pagsasama-sama na mananaig sa umiiral na bangayan at personal na misyon upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat na hindi lamang mga kataga o bukambibig pampulitika.

“Kami ngayon ay nangangako, una, maninilbihan sa pamahalaan na kung sinuman ang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod na pangulo.

“At kami, pangalawa, ay magsasanib-puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan sa pamamagitan ng mga paggalaw na hindi kanais-nais o hindi kaya maglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.

“Higit sa lahat, hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng sambayanang Pilipino,” ang bahagi ng official statement ng apat na presidential aspirants.

Samantala, ito naman ang naging dagdag na pahayag ni Isko, “If they’re calling for supreme sacrifice, di ba, they’re calling for supreme sacrifice? Katulad nang sinasabi ni Secretary Norberto Gonzales, when somebody talked to him?

“E, di ang pinaka-supreme sacrifice, if you’re not a good player to win, then you pay the supreme sacrifice, you withdraw.

“The same challenge that they’re giving us, to Senator Ping, to Secretary Norberto Gonzales, to Senator Pacquiao, now we’re calling, ‘Be a hero, withdraw Leni,’” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/285443/joaquin-domagoso-bukas-ang-isip-at-puso-sa-pagpasok-sa-politika-tulad-ni-isko-pero

https://bandera.inquirer.net/285370/payo-ni-isko-kay-joaquin-sundin-ang-golden-rule-sa-showbiz-jd-bibida-na-rin-sa-pelikula

https://bandera.inquirer.net/279754/jd-domagoso-ayaw-tumira-sa-malacaang-sana-po-hindi-magiging-mahirap-ang-buhay-e

Read more...