KNOWS n’yo ba kung ano ang sikreto ng award-winning veteran actress na si Nova Villa sa kanyang batambata pa ring itsura?
In fairness, ang lakas-lakas at super active pa rin si Tita Nova sa edad na 76, kaya naman puro pasasalamat na lang daw kay Lord ang laman ng kanyang dasal sa araw-araw.
Nito lamang nagdaang Miyerkules Santo, April 13, nagdiwang ng kanyang ika-76 kaarawan ang beteranang aktres at aminado siya na puno rin ng pasakit at pagdurusa ang kanyang buhay.
Sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa bagong drama series na “False Positive” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim, ay binati nga si Tita Nova ng mga co-stars niya pati na ng mga executives ng network.
At kasunod nga nito ay nagkuwento na ang premyadong aktres tungkol sa mga pinagdaanan niya noong nakaraang taon nang mag-positive siya s COVID-19 at magka-pneumonia.
“Sa 76 years, lahat na klaseng pagdurusa, inabot na natin. Nobody is exempted sa lahat na trials na dumating sa akin, at itong mga trials na ito ang nagpatatag sa atin.
“That is why, nandito pa rin tayo, lumalaban sa buhay. Pero pag kasama mo ang Panginoon, kayang-kaya natin ito.
“Na-COVID na ako. Ang COVID ko, pneumonia. Isang paa na lang, nasa hukay na. Na-COVID na nga ako, nakipagbiruan pa ako, e. At saka wala akong naramdamang takot nu’n. Naka-ready lang ako. Ganun lang ang sikreto ko sa buhay. Gusto ko lang masaya.
“Handa na ako. More on, ‘Lord, whatever is Your will, tulungan Mo lang ako na matanggap ko lahat ito. Kung ano ang para sa akin, kung ano ang ibibigay Mo sa akin, huwag Mo lang akong pabayaan.’
“And then, I mentioned the people na may sakit din, inu-offer ko naman yun for them,” dire-diretsong pahayag ng veteran actress.
Aniya mas lalo pa raw tumibay ang faith niya sa Diyos ngayon, “I still believe I have a mission. So, when you believe that you have a mission in this world, at ikaw naman ay alam mong malapit sa Panginoon, hindi ka ba magmumukhang bata kapag ang Panginoon ay nasa puso mo at lagi kang sumusunod sa kanya, at lagi kang nagdadasal.”
Dagdag pang kuwento ni Tita Nova, ang pagdarasal daw ang nagpapabata sa kanya, “Itong birthday ko ngayon, lahat ng nagsasabi, tinatanong ako kung ilang taon na ako. Sabi ko, 76. Sabi, para lang daw ako 50, parang 60, may 45, mga ganu’n.
“Sanay na ako makarinig ng ganu’n. Pero nasa isip ko, it’s a blessing, pati yung lakas. Kaya nga kaya ko pa, nagtatanim nga ako sa bundok, may farm ako. Kaya ko lahat ‘yan.
“Lahat ito, blessing. Kaya ano pa ba ang puwede kong sabihin sa birthday ko? Na up to now, nararamdaman ko ang lakas.
“Nakikita ko sa salamin ang hitsura ko. Ano pa ang puwede nating sabihin kundi, ‘Salamat, Lord.’
“Ano pa po ang sikretong kailangan? Sabi nila, ‘Ano ba ang ilalagay mo sa mukha mo, bakit mukha kang bata?’ Wala. Hilamos lang ako at saka sabon.
“It is what is in your heart. It is within. Lumalabas if God is with you. You will look young.
“Basta masaya ako. Gusto ko masaya. Masaya tayo. I love everybody, wala akong kaaway. Kaya napu-project sa screen,” lahad pa ni Tita Nova.
Mapapanood na sa GMA 7 ang “False Positive” sa darating na Mayo.
https://bandera.inquirer.net/310733/paggaling-ni-nova-villa-sa-covid-19-isang-himala-tuloy-ang-pagtatrabaho-talagang-siya-lang-ang-nagbibigay-nitong-lahat
https://bandera.inquirer.net/301788/ivana-nag-celebrate-ng-25th-birthday-sa-p1-m-per-night-na-hotel-walang-matutulog-walang-pipikit
https://bandera.inquirer.net/304718/janice-de-belen-insecure-noon-sa-katawan-pero-ngayon-so-what-this-is-me-ayaw-nyo-di-wag-nyo