Rodjun Cruz nahulaang magiging ka-loveteam si Jo Berry: Ang galing ni Lord after 2 years, dumating ang ‘Little Princess’

Jo Berry at Rodjun Cruz

KNOWS n’yo ba na nahulaan ng Kapuso actor at dancer na si Rodjun Cruz na magiging ka-loveteam niya ang “Little Princess” lead star na si Jo Berry?

Yes, napatunayan daw ng utol ni Rayver Cruz na “manifesting” is real dahil bago pa nga sila magtambal ni Jo sa hit Kapuso afternoon series na “Little Princess” ay na-imagine na ng binata ang pagsasama nila sa isang project.

Matatandaang unang nagtambal sina Rodjun at Jo sa isang episode ng weekly docu-drama anthology ng GMA na “Wish Ko Lang” hosted by Vicky Morales na umere noong March, 2019.

“Nagkuwentuhan kami noon. Ang maganda kasi sa amin isang araw lang ‘yung taping namin para sa Wish Ko Lang pero naging close kami agad.

“Madali kaming naging komportable sa bawat isa, tapos niloko ko nga siya. Sabi ko, lahat ng mga shows na ginagawa n’ya laging mataas ‘yung ratings, laging number one.

“So wala pang Little Princess, sinabi ko sa kanya, ikaw ang prinsesa ng GMA,” pahayag ni Rodjun sa panayam ng GMA Network noong Martes, April 12.

Dugtong pang pahayag ni Rodjun, “Sabi ko, basta wait ka lang ah, magiging magka-love team din tayo tapos ang galing ni Lord after two years, eto na dumating na ‘yung Little Princess so nagkasama ulit kami.”


Ito naman ang reaksyon ni Jo sa magagandang salita na binitiwan ni Rodjun para sa kanya, “Masaya ako siyempre kasi one day taping lang ‘yon tapos may mga inside joke na kami agad.

“Kasi hindi talaga ako madaling maki-close agad, mataas ‘yung guard ko pero sa kanya sa first time naming magka-work, close na kami agad tapos noong sinabi niyang siya ‘yung makakasama ko sa Little Princess, happy ako,” lahad ng dalaga.

Pero nilinaw ng aktres na hindi sa taping ng “Wish Ko Lang” una niyang nakita si Rodjun, “Noong bata pa ako, nakikita ko na siya. ‘Yung papa ko kasi naka-work si Rayver (kapatid ni Rodjun) tapos kasama siya nu’n so sumama din ako pero hindi kami nag-meet ni Rodjun pero nakita ko na siya dati, ‘di pa ako artista noon.”

Unang bumida si Jo sa GMA primetime series na “Onanay” kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na umere noong 2018.

Nasundan pa ito ng isa pang GMA Telebabad series na “The Gift” noong sumunod na taon kung saan nakasama naman niya si Alden Richards.

Napapanood naman ngayon ang “Little Princess” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/302549/jo-berry-pag-aagawan-nina-rodjun-at-juancho-sa-little-princess-pero-kanino-siya-posibleng-ma-attract

https://bandera.inquirer.net/297192/wow-grabe-ka-lord-answered-prayer-na-naman-to

https://bandera.inquirer.net/306048/jo-berry-pinatunayang-hindi-lang-binabatuk-batukan-pangperya-ang-mga-little-people

Read more...