May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

Bela Padilla at Norman Bay

NEVER pa naman daw naranasan ni Bela Padilla ang ma-heartbroken at “magluksa” nang isang taon tulad ng karakter niya latest Vivamax hugot movie na “366.”

Bukod sa pagiging leading lady nina JC Santos at Zanjoe Marudo sa nasabing pelikula, si Bela rin ang nagsulat at nagdirek nito. Ito’y tungkol sa proseso ng moving on pagkatapos ng breakup.

Kuwento ni Bela, sa kuwento ng “366” umabot ng isang taon bago nakapag-move ang kanyang karakter at aniya, ibang-iba naman daw ang na-experience niya sa totoong buhay.

“Hindi naman po siguro umabot ng 365 days or 366 days. Actually, parang nakakatawa, dalawa lang naman po ang naging ex-boyfriends ko at pareho akong naka-move on nang medyo mabilis.

“Siguro kasi, you know naman kung ano ang dinadala mo sa isang bagay or sa isang relationship. And I know that I did my best, but my best wasn’t good enough,” katwiran ng aktres, director at scripwriter.

Pahayag pa ng dalaga, “Siguro kasi, noong mag-break kami, tapos na talaga. Kaya mabilis akong naka-move-on.” Kung hindi kami nagkakamali, ang dalawang na-link noon kay Bela ay sina Jason Abalos at Neil Arce.

Patuloy pang chika ni Bela, “Mas nahihirapan akong mag-move on sa missed opportunity. Minsan nga, parang mas hirap pa sa akin na mag-move on na alam kong project ko pala dapat iyon, pero hindi ako yung natuloy dahil may conflict ako sa schedule or something.


“Parang mas hirap pa akong mag-move on sa project na iyon. I mean, I’m not gonna lie, meron akong mga bobo moments habang heartbroken, meron akong mga bagay na siguro nakakahiya or hindi ko dapat ginawa. Yung iba roon, na-witness ni JC,” aniya pa.

In fairness, maraming beses na rin kasing nagkasama sa pelikula ang dalawa tulad ng “On Vodka, Beers and Regrets,” “The Day After Valentine”, “100 Tula Para kay Stella”, at ito ngang “366.”

“Sa dami ng pelikula na rin naming nagawa, talagang na-witness ko yung moment ni JC na sawi and na-witness na rin niya ako nang sawi.

“Hindi ko na sana mabalikan iyon ever in my life, kasi tumatanda na rin ako. Nakakahiya nang gawin yung mga, basta, yung mga kasawian. Yun na lang ang masasabi ko,” natatawang sabi pa ng aktres.

Samantala, nakabalik na sa Pilipinas si Bela makalipas ang halos kalahating taong pananatili sa United Kingdom.

Kasamang umuwi ng bansa ni Bela ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay base na rin sa mga litrayong ipinost niya sa Instagram last Thursday.

“Back in the tropics.…we’ve only been here two whole days but I feel like we’ve seen so much of Manila already,” ang inilagay niyang caption sa mga litrato nila ng dyowang Swiss-Italian na nakabase naman sa Zurich, Switzerland.

https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter

https://bandera.inquirer.net/310144/bela-bilib-na-bilib-sa-2-leading-man-sa-366-si-jc-talagang-ginalingan-hindi-pa-action-tumutulo-na-ang-luha-2

https://bandera.inquirer.net/309682/bela-padilla-walang-awkwardness-na-naramdaman-kay-zanjoe-sa-366-i-already-got-passed-that-stage

Read more...