Andrea maraming nadiskubre kay John Lloyd: Kalog at palabiro rin pala siya, at higit sa lahat…

John Lloyd Cruz at Andrea Torres

SOBRANG nag-enjoy ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres nang mag-guest sa weekly sitcom ng award-winning actor at Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Talaga raw hinding-hindi malilimutan ng dalaga ang naging experience niya sa high-rating sitcom ng GMA na “Happy ToGetHer, lalo na ang mga bonding moments niya with John Lloyd and the other cast of the show.

Sa tatlong araw na magkakasama sila sa taping, marami-rami rin siyang nadiskubre about John Lloyd, kabilang na ang pagiging natural comedian ng magaling na drama actor.

“Nakita ko ‘yung side niya na creative consultant ng show. Na-amaze ako marinig ‘yung thoughts and ideas niya sa eksena at kung paano niya ‘yun inaaral,” sey ni Andrea sa panayam ng GMA Network.

“It makes so much sense kung bakit nabibigyan niya tayo ng nakakabilib na performace all the time,” aniya pa.


Sabi pa ni Andrea, napakainit ng pagtanggap sa kanya ng buong cast ng sitcom pati na ng buong production kaya sana raw ay makapag-guest siya uli sa programa.

“Sobra akong nag-enjoy sa grupo. Three days lang kami nagkasama pero parang mas matagal pa sa pakikihalubilo namin sa isa’t isa.

“I’m so comfortable with them and I’m glad that they’re also so welcoming. Nag-jive talaga lahat.

“Natuwa akong madiscover na kalog din pala si JLC. Palabiro siya and siyempre it helped a lot pagdating sa mga eksena kasi wala kayong ilangan,” pahayag pa ng Kapuso star.

May isa raw silang eksena ni John Lloyd sa “Happy ToGetHer” na talagang hindi niya malilimutan, “There’s one na tawang-tawa kaming dalawa ‘di na talaga namin mapigilan. Naiyak na siya sa katatawa.

“Memorable moment naman, of course, ‘yung mga bonding namin off-cam, mga kantahan, kwentuhan, at kulitan,” kuwento pa ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho

https://bandera.inquirer.net/300212/hiling-ng-fans-sa-gma-john-lloyd-bea-dingdong-marian-pagsama-samahin-sa-teleserye

https://bandera.inquirer.net/305792/pia-wurtzbach-sinigurong-walang-dapat-pagselosan-ang-dyowa-sa-tambalan-nila-ni-piolo-pascual

Read more...