Bianca Umali sa mga walang kwentang bashers: Hindi ko igaganti sa kanila kung ano ‘yung ginawa nila sa akin

Bianca Umali

TAKOT na takot noon ang Kapuso actress-singer na si Bianca Umali sa paggamit ng social media dahil sa cancel culture, mga pagbabanta at hate comments mula sa mga bashers.

Pero habang dumaraan ang panahon ay natutunan na rin niya ang “art of dedma” para hindi na maapektuhan ng toxic culture ng social media.

Sa halip na pansinin at patulan ang mga bashers at haters, mas nag-focus daw si Bianca sa good side ng paggamit ng socmed, kabilang na ang pagse-share ng mga natutunan niyang life lessons sa mga kababaihan at kabataan.

Napakalaki rin daw ng naging pagbabago sa buhay niya mula nang maging ambassador siya ng World Vision campaign “for education, ending violence against children, and 1000 Girls.”

“There was a phase in my life that I was actually afraid of social media. I didn’t know what to post, I was afraid of sharing my opinions and photos because I was thinking of what other people would say and think,” ang pahayag ni Bianca sa panayam ng GMA.

Natutunan din niya na unawain ang mga taong walang ginawa kundi ang manira ng kapwa, “Walang tao na walang masasabi na mali sa ‘yo. It’s sad but I used to think na dapat walang mali, dapat perfect, kaso that can’t happen because no one is perfect and everyone has their own opinions.”

Ipinagdiinan din niya na isa sa mga magic word sa tamang paggamit ng social media ay “respeto”, “If hindi nila maibigay sa akin ’yung respect na i-appreciate na lang or huwag na magsabi ng anything negative, it’s fine, because I know I respect their opinion and hindi ko igaganti sa kanila kung ano ’yung ginawa nila sa akin.”


Pinayuhan naman niya ang kanyang mga fans at socmed followers na iwasan na lang ang magbasa ng hate comments.

“It helps a lot to lessen the reading of comments. I think when I share on social media especially my opinion about certain things, that is my opinion so I don’t find the point in reading all the comments and replying. If hindi niyo nagustuhan opinyon ko, I don’t think that’s my problem.

“It feels so nice that I get to share lessons and purpose in life with people who follow me on social media, especially younger ones,” dagdag pang pahayag ng Kapuso star.

https://bandera.inquirer.net/309162/bianca-nagdyi-jeep-tricycle-mrt-kapag-may-shooting-dahil-kulang-ang-pera-saka-yung-mga-damit-ko-galing-palengke

https://bandera.inquirer.net/308042/bianca-umali-payag-mag-join-sa-beauty-pageant-pero-ang-tanong-papasa-kaya-ako-sa-height-requirement

https://bandera.inquirer.net/307873/bianca-na-challenge-sa-pagpapatawa-sa-mano-po-legacy-ibang-animal-din-ang-comedy-ang-hirap

Read more...