Clarita Carlos binatikos matapos magkomento sa Bar exam passers: We need more scientists, engineers, doctors, not more lawyers! | Bandera

Clarita Carlos binatikos matapos magkomento sa Bar exam passers: We need more scientists, engineers, doctors, not more lawyers!

Therese Arceo - April 14, 2022 - 03:39 PM

Clarita Carlos binatikos matapos magkomento sa Bar exam passers: We need more scientists, engineers, doctors, not more lawyers!
KASABAY ng paglalabas ng resulta ng kauna-unahang digital Bar exams nitong April 12 ay ang pagbibigay opinyon ni retired University of the Philippines (UP) Prof. Clarita Carlos ukol dito.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa resulta ng 2020/2021 Bar exams.

Aniya, hindi na raw kailangan pa ng mas maraming abogado ng bansa bagkus mas kailangan nito ng mga doktor, engineers, at scientists.

“Not to rain in anyone’s parade… but, methinks we need more scientists, engineers, doctors… not more LAWYERS!” saad ni Prof. Clarita.

Nag-comment rin si dating Department of Agriculture Sec. Emmanuel Piñol sa post ng retired UP professor.

Aniya, dapat ring madagdagan ang mga agriculturists at aquaculture experts sa bansa dahil kung hindi ay magugutom ang mga nabanggit ni Prof. Clarita.

Hindi naman mapigilan ng mga abogado na mag-react sa pahayag ng dating propesor.

Ayon kay Atty. Gideon V. Peña, kakaunti lang ang bilang ng mga abogado sa bansa laban sa dami ng mga taong nangangailangan ng serbisyo nito.

“In the US, there’s 1 lawyer for every 240 people. In the Philippines, there’s roughly 1 lawyer for every 2,500 people.”

Bagamat sumasang-ayon ito kay Prof. Clarita na nangangailangan talaga ang bansa ng karagdagang mga doktor, magsasaka, at mga siyentipiko ay kinakailangan rin nito ng mga abogadong magtatanggol at maglilingkod sa bayan.

“We do need more scientists, doctors and farmers but we also need more lawyers in the country.

Before raining on other people’s parade, check your data first,” dagdag ni Atty. Gideon.

 

 

Ang pinagbasehan ng abogado sa kanyang mga datos ay ang kolum na “Too Many Lawyers” na inilabas sa BusinessWorld noong Setyembre 2016 na isinulat ni Jemy Gatdula.

Marami pang mga netizens ang nag-react sa pahayag ni Prof. Clarita.

“We need lawyers just as much as we need engineers, doctors, and scientists. What we don’t need are highly opinionated people like you who have a need to be right at the expense of discrediting something or someone’s effort. Sorry,” saad ng isang Twitter user.

“Go down from your ivory tower, Prof. [Clarita] Carlos. Spend just one day observing the QC (Quezon City) Hall of Justice, at least one RTC (Regional Trial Court) in the province, the NLRC, and at least one PAO (Public Attorney’s Office) district office. THEN say we have no need for more lawyers,” saad naman ni Atty. Ryan Balisacan.

Isang netizen rin ang nagsabi na nangangailangan rin ang bansa ng mas marami pang educators, novelists, at film directors.

“But we do need more lawyers who also happen to be scientists, engineers, and doctors too. And educators as well. And novelists. And film directors,” sey ng isa pang Twitter user.

Sa ngayon ay burado na ang Facebook post ni Prof. Clarita Carlos.

Ayon sa inanunsyo ni Associate Justice at Bar Exam chairperson Marvic Leonen, 8, 241 o 72.28 % ng mga Bar takers ang nakapasa sa first ever digitalized and regionalized 2020/2021 Bar exams.

Ito rin ang pinakamataad na passing rate mula noong 1954 Bar exams.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Stories:
8,241 pumasa sa 2020/2021 Philippine Bar exams

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending