Sa wakas…Luis, Jessy nakapag-honeymoon na sa Dubai, 1st time mag-first class: Yung talagang pangyayamanin!

Jessy Mendiola at Luis Manzano

SA unang pagkakataon, na-experience ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang makalipad patungong ibang bansa sa pamamagitan ng first class flight.

Finally, makalipas ang mahigit isang taon, natuloy na rin ang “official honeymoon” ng celebrity couple sa mismong bansa kung saan ipinanganak si Jessy — sa Dubai.

Nangyari ito nitong unang linggo ng April at mapapanood na nga ang mga naging kaganapan sa kanilang Dubai honeymoon sa bago nilang vlog sa YouTube.


Sabi ng TV host-comedian sa caption ng bonggang vlog nila ni Jessy, “Sweet vlog muna tayo today guys pero siyempre may konting kulit pa din sa #LuckyTV.

“Love is in the air kaya bigyan ko na kayo ng warning ha, magugulat kayo kasi parang lalo ako gumwapo dito. Hindi pala parang, sobrang gwapo ko sa video na ‘to kasi siyempre ang ganda ni misis eh.  Watch na kayo!” aniya pa.

Sa unang bahagi ng video nagkuwento nga si Luis patungkol da kanilang international flight, “Hindi ko pa nararanasan mag-first class, yung talagang pangyayamanin. Hindi ko pa naranasan yun.

“E, nag-usap kami, at least once in our life maranasan natin mag-first class kami sa isang first class airline din.

“So at least kapag nakausap natin yung anak natin, ‘Alam niyo ba once kami ng inyong mommy naranasan namin mag-first class sa Emirates na one of the best airlines,’” excited pang chika ni Luis.

Kuwento ng TV host, umabot daw sa mahigit siyam na oras ang flight nila mula sa Manila hanggang Dubai. Kasabay nito, ibinahagi rin ng showbiz couple ang mga pinaggagawa nila sa loob ng eroplano.

Ipinakita rin sa vlog ang pakikipag-bonding ng mag-asawa sa family ni Jessy na nakabase na sa Dubai, kabilang na ang ama ng aktres na si Roger Tawile.

Ipinasilip din nina Luis at Jessy ang pagpunta nila sa Al Maha, isang luxury collection desert resort and spa na nagre-range sa halagang P82,000 hanggang P130,000 ang one-night stay.

“Medyo outskirts ito ng Dubai, a bit far from the city. May sarili kaming pool,” kuwento ni Luis habang iniikot ang camera sa palibot ng tinutuluyan nilang villa.

Samantala, may special shoutout pa ang mag-asawa sa mga Filipino na nakilala at nag-asikaso sa kanila sa nasabing resort hotel sa kabuuan ng kanilang honeymoon trip.

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng kabayan na nakita namin dito sa Dubai. Thank you very much dahil iba talaga ang alagang Pinoy, from the restaurants, sa hotel, napakarami naming na-meet.

“Ang Pinoy kasi kahit saan mo dalhin, yung lugar na yun magiging parang Pinas. Di ba sa sobrang init ng pagtanggap, yung ngiti ng mga Pinoy, yung hospitality.

“So thank you very much sa lahat ng kabayan natin. At pareho kami ni Hawhaw na pinagdarasal namin na dumating ang araw na ang mga Pinoy ay hindi na kailangan umalis ng bansa para magtrabaho para sa kanilang pamilya.

“Yun ang wish namin na na-realize din namin. So sa lahat ng mga OFWs, hanga kami sa inyo. God bless sa inyo,” mensahe pa ni Luis.

https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya

https://bandera.inquirer.net/308597/chito-inatake-ng-matinding-kaba-sa-dubai-concert-may-instances-pa-na-muntik-na-akong-mahimatay

https://bandera.inquirer.net/289359/weightlifting-fairy-hidilyn-diaz-may-p33-m-na-may-condo-unit-at-lifetime-flights-pa

Read more...