TRENDING ngayon ang mag-asawang Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez matapos kumalat sa social media ang haka-hakang hiwalay na ang dalawa.
Ayon sa mga kumakalat na chika, burado na raw ang mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram account kaya marami ang nag-isip na baka may pinagdaraanan ang mag-asawa.
Bukod pa rito, may mga binura rin daw si Moira na TikTok videos nila ng asawa at burado na rin ang apelyidong “Hernandez” sa kanyang personal Facebook account.
Palaisipan rin ang sa mga netizens ang latest post ni Jason ng lyrics ng kantang “Wag Kang Lalapit”.
Pero nang tignan namin ang Instagram account nina Moira at Jason ay nananatili pa rin naman ang mga larawan nilang magkasama at naka-follow pa rin ang dalawa sa isa’t isa.
Base rin sa Instagram story ng “Malaya” singer, nasa ibang bansa ito kasama ang kaibigang vlogger na si Mimiyuuh at ang bandang I Belong To The Zoo.
Hindi naman mapigilan ng mga fans na mag-react ukol sa isyu ng paghihiwalay nina Moira at Jayson.
Tweet ng netizen, “Kahit naman gaano ka-healthy, peaceful, god centered & smooth ng relationship niyo, if it’s not really meant to be, pain and ending is still bounded to happen. hoping the story about moira and jason’s issue ain’t real. bruhhh I need a 10 mins version of malaya.”
“I’ll probably won’t believe in love anymore if ever the rumors are true that moira and jason broke up. their relationship is so healthy and God centered pa. I cannoooottt,” sey naman ng isa pa.
Naglabas naman ng statement sa Facebook ang fan page ng mangangawit na Best of Moira.
Pinabulaanan nito ang isyu ng paghihiwalay ng mag-asawa.
“We are here to inform everyone that the rumors circulating online about Moira Dela Torre and Jason Marvin’s separation is not true.
“To each and every one of us including the media, let’s be accountable in spreading news on social media by fact-checking as there are cases for those who are spreading fake news about individuals like Moira and Jason.
“Furthermore, let’s stop spreading the issue without the official statements of our most loved couple. Thank you and stay safe everyone,” saad ng fan page.
Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang mag-asawa ukol sa kumakalat na chikang hiwalay na sila.
Nananatili namang bukas ang Bandera para kina Moira at Jason sakaling naisin nilang linawin ang katotohan ukol sa isyung ito.
Related Chika:
Jason sa 3rd anniversary nila ni Moira: She makes the best cookies & cinnamon rolls, she makes utos a lot but I secretly like it
Moira nakitira sa condo ni Sam nang tamaan ng matinding depression
Moira dela Torre bentang-benta sa Dubai, tinawag na ‘Phenomenal Queen’ ng fans