Pia Wurtzbach nakaboto na ng presidente ng Pinas sa Abu Dhabi; Camille Prats inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’

Camille Prats at Pia Wurtzbach

SUPER proud na ibinandera ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang ginawa niyang pagboto sa United Arab Emirates para sa national elections sa Pilipinas.

Nagsimula na last Sunday, April 10, ang botohan para sa mga Filipino na nasa iba’t ibang panig ng mundo at isa nga si Pia sa mga naunang bumoto sa mga Pinoy na nasa UAE.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng TV host-actress ang kanyang litrato sa harap ng Philippine Embassy sa UAE with her pink suit, na siyang kulay ng presidential candidate na si Leni Robredo.

Sey ni Pia sa caption, “As a first time voter, I must say that it felt so good to vote today. Emotional actually. May halong excitement & relief that I finally took my stand.

“Shading that little black dot felt like I was finally making a choice towards our future. I know I’m only 1 person. Only 1 vote out of millions but every vote counts,” dugtong pa ng dalaga sa kanyang mensahe.

Ngunit nanghihinayang daw si Pia dahil nalaman niyang, “only about 30% of already registered voters here in UAE are expected to vote.

“Sayang naman kung ganon. If you’re a Filipino living abroad who’s already registered, please make time for it because your vote counts.


“You have one whole month to do this so there’s really no excuse not to. Plus, the process in Abu Dhabi was super seamless,” lahad pa ng Kapamilya actress.

Kasunod nito, ibinandera nga ni Pia kung sino ang binoto niya, “Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President.

“I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni,” sabi pa ni Pia.

Samantala, isa pa sa mga artistang nadagdag sa listahan ng mga sumusuporta kay Vice President Leni ay ang Kapuso actress-TV host na si Camille Prats.

“Today, I am taking a stand. For my children’s future and for every Filipino child and family who dream of having a better chance at life. Na araw-araw nating inilalaban at araw-araw ding pinagkakait ng pagkakataon at ng panahon.

“This is our chance to make things right for our country,” pahayag ni Camille.

Aniya pa, “Bakit ngayon lang? Matagal ko po itong pinag-isipan at pinag-aralan. Hindi padalus-dalos lang ng sumabay sa uso.

“Ako po ay tumatayo para sa ating bansa bilang isang mamamayan na nagmamahal sa ating bayan at mga kababayan.

“Sa gobyernong tapat, lahat tayo ay aangat.  Ma’am @bise_leni gabayan po kayo ng Diyos sa inyong mga hangarin para sa ating bayan,” dagdag pang pahayag ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/305360/pia-wurtzbach-napiling-katambal-ni-piolo-sa-bagong-comedy-show-na-my-papa-p

https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career
https://bandera.inquirer.net/308910/concert-ni-gigi-de-lana-sa-abu-dhabi-pak-na-pak-gown-na-isinuot-sa-finale-gawa-ni-michael-cinco

Read more...